Ramadan sa bilangguan aprub sa BJMP

PINAYAGAN na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magdaos ng seremonya ang mga bilanggong kapatid na Muslim bilang pakikiisa sa Ramadan habang nasa loob ng piitan.

Sa panayam kay BJMP Chief, Jail Director Rosendo Dial, ito ay bilang paggalang sa mga kapatid na Muslim sa kanilang okasyon.

Sa tala ng ahensya noong Hunyo 2011, 3,857 ang kabuuang bilang ng mga nakakulong na Moro sa BJMP.

Ang Ramadan ay isa sa pangunahing haligi ng Relihiyong Islam na isinasagawa tuwing ika-siyam na buwan ng Islamic calendar Hijra sa pamamagitan ng fasting o

hindi pagkain bago magliwanag at hindi rin pag-inom at pagsiping sa asawa sa loob ng halos 30 araw.

Inobliga naman ni Dial ang mga tagapagluto sa bilangguan na agahan ang paghahanda ng pagkain upang masiguro na makakain bago mag-umaga o fajar ang mga debotong Muslim.

“We recognize our inmates’ freedom of religion so we are allowing our Muslim detainees to conduct their prayers and eat on proper time. We are also requiring the kitchen staff to prepare food for them as early as 3:30 AM to ensure that they will eat on time before fajar or dawn,” saad ni Dial.

Nakaantabay din ang BJMP health personnel sa pagmomonitor ng kalusugan ng mga nagpa-fasting.

Ayon kay Dial, mayroong nakatalagang Imam sa loob ng bilangguan na nangunguna sa mga aktibidad ng nasabing relihiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply