Rape case vs PSG member for resolution na

SUBMITTED for resolution na ang kaso ng Presidential Security Group (PSG) member na inaakusahang nang-rape sa isang menor de edad na babae sa mismong compound ng Malacañang.

Ayon kay Atty. June Ambrosio, abogado ng biktima, matapos ang ikalawang preliminary investigation (PI) ni Assistant City Prosecutor Sharon Alameda-Magayanes at i-reaffirm ng biktima ang kanyang salaysay ay pag-aaralan na umano ang merito ng kaso bago pagpasyahan kung iaakyat ito sa korte o tuluyang ibabasura.

Mayroon aniyang 15 araw ang piskal upang isumite ang kanyang resolusyon sa Chief City Prosecutor ng Maynila saka iaakyat sa hukuman kung saan magkakaroon naman ng raffle para madala sa isang family court ang usapin.

Naniniwala naman si Ambrosio na malakas ang kanilang isinampang kasong rape, child abuse at trafficking laban kay Staff Sgt. Walter Candelaria upang mapanagot ito sa nabanggit na kasalanan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply