Rapist, nambuntis ng tomboy arestado

BINITBIT ng mga tauhan ng Manila Police District-District Special Project Unit (MPD-DSPU) ang 49-anyos na lalaki na umano’y isa sa naitalang most wanted persons ng MPD dahil sa 3 beses nitong panggagahasa sa 18-anyos na tomboy, matapos masita sa simpleng violation na walang pang-itaas na saplot habang nasa kalye, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni Senior Insp. Renato Solis, hepe ng administrative at Operation Branch ng DSPU ang suspek na si Rolando Masangkay, ng 909-C San Antonio St., Tondo.

Batay sa report ng pulisya,  dakong 4:30 ng hapon nitong Huwebes nang masita ang suspek sa Del Pan at Saragoza Sts., Tondo.

Kasalukuyang nagpapatrulya sina PO2 Reynold Reyes at PO1 Acemond Villanueva sa nasabing lugar nang mamataan ang walang damit na pag-itaas na si Masangkay.

Dahil nilabag nito ang Section 819 ng Revised City Ordinance, sinita ito ng mga pulis saka dinala sa kanilang tanggapan.

Nang beripikahin ang rekord, natukoy na kabilang ang suspek sa most wanted persons ng MPD kaugnay sa nakabinbing warrant of arrest sa kasong panggagahasa at pambubuntis sa 18-anyos na tomboy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply