Ready to fall in love again…

NAKA-MOVE on na si Kim Chiu kung tungkol sa lovelife niya ang pag-uusapan.

“Oo, pulang-pula na ang puso ko. Pinkish na siya, hindi na kulay lumot,” sey niya sa presscon ng “Binondo Girl” na magsisimula sa August 22 sa ABS-CBN 2.

“Masaya na ako ngayon and siyempre, life goes on kaya ayun, masaya tayo sa bagong project ko, sa mga kasama ko dito sa My Binondo Girl, supportive sila and ang saya-saya namin lagi, and ‘yun, happy set ang My Binondo Girl. Hindi mo mararamdaman ‘yung pagod, ‘yung puyat.”

So, ready na ba ang puso niya na magmahal ulit?

“Okay na, okay na ako ngayon. Pero sa ngayon siyempre, nagpo-focus ako sa trabaho ko, and ‘yun, concentrate muna ako sa role ko bilang Jade and bilang Yuan.”

Tatlo ang lalaki niya sa seryeng ito na binubuo nina Matteo Guidecelli, Jolo Revilla at Xiam Lim.

Sey ni Kim, pinaka-close daw siya kay Matteo dahil pareho silang galing South at parehong marunong mag-Bisaya.

Galante naman ang pagsasalarawan niya kay Jolo. Lagi raw tinatanong kung ano ang gusto niyang food. Si Xian Lim naman ay maraming itinuturo raw sa kanya.

“Maglagay ng mga music sa phone ko and mga kain. ‘Kain tayo ganito. Lika. Kain tayo ng ganito, ng ganyan. Kain lang kami nang kain pag kasama ko siya,” aniya pa.

Tsuk!

-0o0-

Malapit nang matunghayan sa TV5 ang pinaka-glamorosang dramserye sa telebisyon.

Ito din ang susunod na big project ni Alice Dixson sa Kapatid Network pagkatapos na matagumpay na “Babaeng Hampaslupa.”

-0o0-

NAGING madali para sa contestants ng Biggest Loser Pinoy Edition na iboto si Andy Gomez de Liano ngayong linggo matapos tahasang sinabi ng wildcard contestant na nais niyang matupad ang pangako sa girlfriend na makasama ito sa kanyang kaarawan.

“Tahimik lang ako buong linggo dahil iniisip ko kung tutuparin ko ba ang pangako ko. Nakapagdesisyon na akong tuparin ito. Handa na akong iiwan ang camp. Mas kailangan ng iba ang camp kaysa sa akin,” sabi ni Andy sa isinagawang deliberasyon.

Sa kanyang pamamalagi sa camp, pumayat si Andy ng 53 pounds at may timbang na ngayong 221 pounds mula 274 pounds. Bagamat wala na sa kumpetisyon, plano niya pa ring ituloy ang kanyang araw-araw na pag-eehersisyo at gawin ang lahat ng natutunan sa loob ng camp.

“Mas masaya na talaga ako ngayon dahil mas magaan na ako,” sambit ni Andy.

Para kay Andy, ang  kasamang wildcard contestant na si Leigh ang napipisil na mananalo bilang unang Pinoy Biggest Loser.

“Pinakakailangan ni Leigh ang tagumpay sa kumpetisyong ito para mapatunayan sa lahat na ang isang matabang babae na walang gaanong athletic background ay kayang magbawas ng timbang,” sabi niya.

Mas matindi na nga ang mga hamon sa BL camp at ngayong linggo, kinakailangang makapagbawas ang buong grupo ng timbang na 50 pounds pagdating ng weigh in na walang tulong mula sa trainers.

Kinakailangan nilang mag-bisikleta ng walong oras at manapanatili ang bilis na dadagdag kada dalawang oras. Kayanin kaya ng contestants ang challenge?

Makikilala rin nila ang paralympians—dalawang runners at isang bowler na may tig-isa lang na braso at isang swimmer na walang binti.

Sasamahan sila sa isang challenge na tutulong sa iba pang paralympians at magbibigay sa contestants ng pagkakataon na malaman ang kanilang nakokolektang timbang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply