Real state broker sa Iloilo inambus, todas

ONSEHAN sa transaksyon ang sinisilip na angggulo ng pulisya sa pagpaslang sa isang real state broker matapos ambusin ng dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki sa Iloilo kaninang umaga.

Namatay habang ginagamot sa ospital sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Richard Cesar, 40, at pansamantalang tumutuloy sa General Hughes, Iloilo City.

Ikinasa na ng pulisya ang pagtugis sa dalawang suspect na lulan sa hindi napalakahang motorsiklo na inilarawang 30-35-anyos, nakasuot ng itim na jacket, t shirt at rubber shoes.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 9:30 ng umaga ilang metro lamang ang layo sa tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa Ledesma St., Iloilo City.

Bago ito, nabatid na naglalakad ang biktma sa lugar nang sa hindi pa malamang dahilan ay biglang pinagbabaril ng mga suspek. Tinamaan ito ng dalawa sa dibdib na ang isa ay tumagos sa puso habang ang isa naman ay sa kanyang kanang braso.

Dinala pa ang biktima sa pinakamalapit na ospital subalit makalipas ang limang minuto ay idineklarang patay ng sumuring doktor.

Kabilang sa tinitingnang motibo ng awtoridad sa pagpatay sa biktima ay may kaugnayan sa kanyang trabaho dahil lumabas sa mga impormasyon ng pulisya na may naloko diumano ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply