Records ng kinupit na PCSO intel funds nawawala

NAWAWALA sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lahat ng records sa kinupit na multi-milyong intelligence funds ng ahensiya noong nakaraang administrasyon kaya’t nahihirapan ang Commission on Audit (COA) na tuusin ang gastusin ng ahensiya.

Iniulat ito ni COA chairman Grace Pulido-Tan sa Senate finance committee na pinamumunuan ni Sen. Franklin Drilon sa ginanap na pagdinig hinggil sa P1.816 trilyong pambansang badyet para sa 2012.

Ayon kay Tan, hindi pa matuos o maisara ang libro ng PCSO dahil nawawala ang maraming records na magpapatunay kung saan ginastos ang multi-milyong intelligence funds na inaprubahan ng nakaraang administrasyon.

“Sa ngayon, wala pa kaming makitang recordsm mukhang itinago ng nakaraang  administrasyon,” ayon kay Tan sa komite.

Dahil dito, tiniyak ni Tan sa Senado na lalo pang hihigpitan ang pagtutuos sa intelligence fund sa lahat ng tanggapan ng gobyerno partikular sa kagawaran na walang kinalaman sa seguridad at pagpapatupad ng batas.

Nitong nakaraang mga linggo, inimbestigahan ng Senado ang multi-milyong intelligence funds na inilipat ng nakaraang administrasyon sa tanggapan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi naman ni Drilon na napagkasunduan nila kasama ang COA na ibahin ang proseso ng pag-audit sa intelligence fund ng mga departamento na nasa civilian in nature kaysa law enforcement related agencies.

“Meaning those agencies involved in national security and law enforcement, we should have more leeway because indeed by its very nature, it is difficult to have very stringent regulations on the liquidation of intel funds. On the other hand, when they are not involved in security and law enforcement services, we should be very strict about the liquidation of intel funds,” ayon kay Drilon.

Sinabi pa ng senador na hindi na kinakailangan ng panibagong batas para higpitan ng COA ang pagsisiyasat sa milyun-milyong intelligence fund ng bawat departamento ng gobyerno sa halip sapat na umano ang kapangyarihan ng COA na maglabas ng reglamento para higpitan ang liquidation.

Hindi nagustuhan ni Drilon ang subrang luwag na pag-audit sa intelligence fund ng nakaraang administrasyon kaya’t naging talamak umano ang kurapsyon.

“This is what we call the closed envelope system wherein you place your accounting of intel fund in a closed envelope, seal it, send it to the chair of COA and you have accounted for hundreds of millions of intel funds,” ayon sa senador. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply