Red Lions sinagpang ang Cardinals

NASA solo top spot muli ng team standings ang defending champions San Beda College Red Lions matapos kaldagin ang Mapua Cardinals, 74-68, sa 87th NCAA seniors men’s basketball competition sa The Arena San Juan City nitong Biyernes, Agosto 5.

Naaamoy na ng Red Lions ang first round sweep matapos iposte ang 7-0 win-loss record.

Kumagat sa fake ni Red Warrior bench player Dave Marcelo si Cardinals cager Mark Sarangay upang ibuslo ng una ang panigurong panalo ng San Beda.

Si Red Lions guard Garvo Lanete ang muling namuno sa opensa ng kanyang koponan sa kinanang 18 puntos, anim na rebounds at tatlong assists habang tumikada ng double-double si 2008 Rookie of the Year Marcelo na may 13 puntos at 12 rebounds.

Ang huling dalawang kalaban ng Red Lions sa first round ay ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa Agosto 10 at ang mahigpit na katunggaling San Sebastian College Stags sa Agosto 19.

Nanguna naman sa opensa ng Cardinals si Allan Mangahas na may 25 puntos. May kartang 2-5 panalo-talo ang Mapua.

Samantala, kinailangan ng Letran Knights ng overtime period upang talunin ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates, 92-89.

Sinalpak ni Knight guard Kevin Alas ang three-point play upang ilista ang 5-2 win-loss card ng Letran.

Bumanat ng 24 puntos, 12 assists, six boards at five steals si Alas habang nag-ambag ang kakamping si Jamieson Cortes at Kevin Racal ng 14 at 13 puntos ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply