Rehistro, aplikasyon ng prangkisa nabawasan

NASA 1,500 na lamang ang mga nakabinbing aplikasyon ng prangkisa at rehistro ngayon sa Land TransportationFranchising and Regulatory Board.

Ito ang ipinaabot na impormasyon ni outgoing LTFRB Chairman Nelson Laluces mula nang maupo siya sa puwesto noong Setyembre 2010 ay may 9,000 aplikasyon ang nasa kanilang backlog.

Naniniwala si Laluces na bahagi ng kanilang serbisyo publiko na mapabilis ang pag-apruba sa mga aplikasyon sa prangkisa, rehistro at iba pa.

Bagama’t nagbitiw na bilang LTFRB chair, ay handa pa naman aniyang bumalik sa gobyerno si Laluces.

Ito ay kung muling hihilingin sa kanya ng Pangulong Benigno Aquino III na maging bahagi ng kanyang administrasyon.

Una nang naghain ng courtesy resignation si Laluces kay Transportation Secretary Mar Roxas subalit mananatili pa ito sa puwesto hangga’t wala pang napipiling kapalit.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply