Relasyon ng JPN, PHL di apektado ng pagbibitiw ni Khan

WALANG masamang epekto sa magandang relasyon ng Pilipinas at Japan ang pagbibitiw sa puwesto ni Japanese Prime Minister Naoto Khan.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda, matagal na at nananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Japan kahit sino pa ang maupo bilang punong ministro.

Si Khan ay pormal na nagbitiw sa pwesto bunsod ng matinding pressure mula sa Japanese parliament makaraang maakusahan ito nang makupad na pagtugon sa nangyaring tsunami noong Abril.

“Our relations with Japan is very stable, we have a very competent and able ambassador there at tuluy-tuloy naman po ang ating relations with Japan so we will just wait for their next Prime Minister but apart from the resignation of their Prime Minister, the work continues, the relationship continues and we see no difference or we see no change in relations between Japan,” pahayag ni Lacierda.

Kumbinsido si Lacierda na magagampanan din ng susunod na prime minister at walang anumang pagbabago sa ating polisya sa Japan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply