Relief goods handa na para sa biktima ni ‘Mina’

IPINAHAYAG ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman na nakahanda na ang halagang P21.16 milyon na binubuo ng mga relief goods at standby fund sa lahat ng DSWD Field Offices na dadaan ng bagyong Mina upang maipamigay sa mga lugar na masasalanta ng bagyong Mina.

“Ang DSWD ay naglaan ng P2 milyon na standby fund at mga relief goods at supplies na umaabot sa halagang P19.16 milyon para sa mga Region I, II, III, at CAR.

Aabot sa 500 family packs ang nakahanda sa DSWD Field Office I sa Ilocos Norte, natukoy na rin ang mga evacuation center at community kitchen sa mga lugar na tatahakin ni Mina.

Samantala, ang DSWD Field Office II ay nakapagpadala na ng mga relief supplies at pagkain sa 65 evacuation centers ng rehiyon.

Mariing inulit ni Soliman na may nakalaang augmentation fund sa mga lugar na mangangailangan pa.

Ayon sa opisyal mahigpit ang ginagawang monitoring ng kagawaran lalo na sa mga lugar na madalas ang mga pagbaha at pagguho ng lupa. Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga concerned agencies at mga lokal na pamahalaan para sa maagap na pagkilos.

Ang bagyong Mina ay kasalukuyang nananalasa sa bahaging Norte ng Pilipinas.

Bahagyang humina ang lakas nito ng bumagsak sa kalupaan sa Gonzaga, Cagayan kaninang umaga, Agosto 28, subalit ang mabagal kilos nito na posibleng umabot hangang Lunes o Martes ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay posibleng magdulot ng malaking pinsala. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply