Rep. Tañada sumama ang loob kay PNoy

SUMAMA ang loob ng isang malapit na kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III matapos maitsa-puwera sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ang Freedom of Information (FIO) bill.

Magkagayunman, tiniyak ni House Deputy Speaker Erin Tañada na hindi niya isusuko ang laban at determinado siyang ipaglaban ang pagsasabatas ng FOI bill.

Kasabay nito ay inamin din ng kongresista na tinangka niyang i-apela sa Pangulo na ikonsidera ang FOI sa priority bills at agenda sa LEDAC subalit hindi umano siya sinagot at sa halip ay binigyan na lamang siya ng cake para batiin ng happy birthday.

Tiwala rin si Tañada, tagapagsalita ng Liberal Party, na hindi pa naman lubusang tinatalikuran ni Aquino ang FOI at katunayan ay handa pa rin daw ito na isulong ang panukala.

Aniya, in principle ay suportado pa rin ng Pangulo ang FOI subalit ikinukonsidera nito ang usapin ng pambansang seguridad at ang katunayan ay bumuo na si Aquino ng study group na susuri sa panukala.

Malaki ang paniwala ni Tañada na ang FOI ang isa sa katugunan upang maisakatuparan ng Pangulo ang tuwid na daan at walisin ng tuluyan ang talamak na korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply