Residential area sa Kyusi nilamon ng apoy

TINATAYANG nasa P4milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog sa isang residential area sa kanto ng Road 1 at Road 8 sa Barangay Bagong Pag-Asa, Quezon City Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ni Quezon City Fire Marshall Sr. Supt. Bobby Baruelo, umabot sa ika-limang alarma ang sunog na nagsimula dakong 10:00 ng umaga at naapula makalipas ang halos dalawang oras.

Hinihinalang ang naiwanang nakabukas na gas stove ang pinagmulan ng sunog.

Kaugnay nito, nasugatan ang isang bumbero nang makuryente habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Ayon kay Baruelo, napahawak sa isang live wire si Sr. Fire Officer 2 Francisco Rio dahilan para makuryente ito at tumilapon sa isang yero na dahilan ng pagkakasugat nito sa kamay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply