Resignation hindi babawiin ni Zubiri

NANINDIGAN si Bukidnon Vice Governor Jose Maria Zubiri na hindi babawiin ni Senador Juan Miguel Zubiri  ang pagbibitiw sa Senado kahit pa matapos ang sinasabing pag-aaralan muna ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kanyang privilege speech.

“His resignation stays, It is a irrevocable resignation,” ayon sa nakatatandang Zubiri.
Sa kanyang privileged speech, nagbitiw si Zubiri bilang senador sa harap ng pamilya, kaibigan at supporter sa full-packed na gallery ng Senado kaninang hapon dahil hindi na umano nito makayanan ang masama at maling paratang at pangungutya ng iba’t ibang bansa ng kanyang kalaban sa pulitika.
Ayon sa nakababatang Zubiri, hindi nito maaatim na manatili sa puwesto sa Senado kung lubha nang naapektuhan ng maling publisidad ang kanyang asawa, magulang at kapatid na tila ipinamamarali ng kanyang kalaban na mandaraya ang kanyang angkan.
“Sa harap ng diyos at sa hara ng tao ay nais kong pagtibayin na hindi ako nandaya at wala akong Kinausap upang mandaya para sa akin sa halalan. Ang lahat ng akusasyon laban sa akin ay pawang walang katotohanan,” ayon kay Zubiri.
Pangkaraniwan na dapat aprubahan o ibasura ng Senado ang anumang privilege speech na ipahahayag sa session hall, kundi man pagbobotohan upang idala sa partikular na komite, ngunit sa puntong ito, minabuti ni Enrile na “pag-aralan” ang pagbibitiw ni Zubiri.
“I cannot stop it, as head  of this chamber, I will study  your resignation and consult the members. We are  witnessing this is the first time  in my 87 years—that a man,   a member of this chamber,  choose  his family— bayan muna bago ang sarili..i commend you and I will not say goodbye, I am sure  you will return,” ayon kay Enrile.
Ayon kay Enrile na hindi niya inaasahan o makakakita nang makopo ang liderato ng Senado na may isang miyembro na magpapakita, na tinawag niyang “ very rare proof of moral courage” sa Kapulungan.
“In defense of his honor and his families’ honor, he has decided to turn his back as from the power of a senator. I could very well feel what his feeling today. May people posses courage, it is a highest form of moral courage and die for it as necessary to show that there is something valuable,” giit ni Enriile.
Tulad nang reaksiyon ng karamihan sa kasamahan, sinabi ni Enrile na mami-miss niya ang senador partikualr ang ugali nito sa pagtatrabaho, kanyang katalinuhan sa debate at pagiging malikhain sa deliberasyon sa tuwing sesyon.
“I’ve seen a man standing before us to protect his family and honor. I salute you for that Migz, The Senate will lose one of the most articulate, promising ang gifted young member of the Senate,” ayon kay Enrile.
“I worked with him as  a majority leader, I watched  him handle his job, I’ve seen many legislators not
only before—I’m sad that we are going to lose you,  but I’m sure what you showed  in this chamber to the Filipino people—your detractors chastified  – and I look forward  for your return,” patapos ni Enrile.
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply