Resulta ng imbestigasyon sa Mega Data, ilabas na

KAMAKAILAN lang ay naisulat natin sa espasyong ito ang dahilan kung bakit “usad-pagong” ngayon ang proseso ng pagkuha ng NBI clearance.

Alam ba ninyo kung ano ang tanging dahilan ng biglang “paglayas” ng kompanyang Mega Data sa NBI noong Hunyo 30 matapos patulan ni NBI Dir.

Magtanggol Gatdula at ng Department of Justice ang banta ng kompanya na iiwanan sa ‘ere’ ang NBI kung hindi muling ieextend ng NBI ang kanilang kontrata?

Sa mga nakaraang administrasyon kasi, laging ‘panakot’ ng Mega Data na aabandonahin nito ang ‘computerized NBI clearance system’ kung hindi papalugitan ng gobyerno ang kontrata nito.

Kumbaga, estilong ‘blackmail’ ang ginagawa nito sa napakahabang panahon. Mantakin ninyo, 32 taon  nang “nakasuso” sa NBI ang kompanyang ito at walang kalaban, walang public bidding at pulos na lang ‘contract extension at daang milyon na ang kinita pero hanggang sa huling sandali ay hindi tinupad ang usapan nilang BOT (build-operate-transfer) ng NBI.

Bukod sa anunsyo ni Gatdula na iniimbestigahan na nila ang Mega Data, may dagdag na utos din pala si DOJ Sec. Leila de Lima na busisiin din ng DOJ Legal Department  ang iba pang paglabag ng kompanya sa kontrata nito sa NBI.

Napaulat din sa natapos namang pagrepaso ng Com-mission on Audit na pinasusuka o pinababalik nito sa Mega Data ang milyones na koleksyon nito sa kwestiyunableng ‘NBI clearance card’  project noong 2004.

Take note, milyones daw  ayon sa COA, ang iligal umanong kinubra ng kompanya sa mga aplikante. Ang tanong, ano na ang resulta ng mga imbestigasyon at kautusan dito ng mga awtoridad ?

Sa madaling salita, kailan ilalantad sa publiko ang mga naging paglabag at pang-aabuso ng Mega Data.

At sino-sino ang mga dapat sampahan ng kaso sa anomalyang ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply