Retirement age para sa militar hiniling na gawing 56

HINILING ng pamunuan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na gawing 56 anyos ang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng kasundaluhan.

Ang kahilingan ay ipinarating ni Armed Forces of the Phlippines (AFP) spokesperson Commodore Miguel Jose Rodriguez na nagsasabing sapat na ang 56 bilang mandatory retirement age para sa mga miyembro ng AFP.

Ang mungkahi ni Rodriguez ay kaugnay sa panukalang batas na isinampa sa Kamara na naglalayong itaas sa 70 ang edad ng pagreretiro ng mga nagtatrabaho sa gobyerno kabilang na ang mga sundalo.

“Kung 70 naman, pangit namang makakita ng sundalo na 70 years old. Ang dami nating kabataan. Let’s give them a chance to serve their country. Siguro tama lang itong 56,” sabi ni. Rodriguez.

Noon lamang isang linggo, isang miyembro ng Mababang Kapulungan ang nagsumite ng House Bill (HB) 4965 na naglalayong baguhin ang mandatory retirement age ng mga manggagawa sa pamahalaan mula 65 patungong 70 taong gulang. Kabilang dito ang mga miyembro ng Hukbong Sandatahan.

Para kay Rodriguez, sapat na ang 56 taong gulang para mag-retiro upang matamasa ng husto ng mga sundalo ang bunga ng kanilang mga paghihirap habang sila ay malakas pa.

“Pagkatapos niyan (mandatory retirement of 56) malakas ka pa, yung iyong retirement pay magagamit mo ng puhunan para sa iyong pangalawang buhay. After 56, you are a free man, you are another citizen of the Republic enjoying the benefits of peace and security,” paliwanag ni Rodriguez. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply