RH bill isasantabi kapalit ng budget deliberation

rh2

ISASANTABI muna ng Kamara ang pagpapatibay sa kontrobersyal na Reproductive Health bill kahit kasama ito sa priority agenda ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Deputy Speaker Erin Tañada, nagdesisyon ang liderato ng Kamara na ilagay muna sa back burner ang panukala dahil kailangan munang tapusin ang pagpapatibay sa panukalang budget para sa susunod na taon.

Target ng Kamara na isalang sa plenaryo ang proposed national budget para maipasa ito sa Sebado bago ang kanilang bakasyon sa Nobyembre.

Inaasahan na aniya kasing magiging madugo ang bakbakan sa plenaryo pagdating sa deliberasyon ng 2012 proposed national budget dahil sa  sangkatutak na kwestyon ng oposisyon lalo na alokasyon para sa conditional cash transfer program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na lomobo ngayon ng P39 bilyon para sa 2012.

Ngayong 2011 ay P21 bilyon ang orihinal na alokasyon para sa CCT program subalit pinadagdagan ito ng DSWD ng P2 bilyon pa.

Inamin naman ng oposisyon na ang isa sa siguradong hihimayin nila sa plenaryo ay ang napakalaking pondo na inilagay sa CCT program gayung walang pag-aaral kung epektibo o depektibo.

Mula 2007 kung saan pinasimulan ang CCT program hanggang 2015 sa pagtatapos nito ay paglalaanan ito ng P305 bilyon ng gobyerno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply