RH bill isinalang na sa plenaryo ng Senado

ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) sa pangunguna ni Senadora Miriam Defensor santiago.

Pormal nang inihain ni Santiago ang pagpasa ng kontrobersiyal na RH bill.

Sa privilege speech ni Santiago, binigyang diin nito na tanging ang simbahang Katoliko lamang mula sa mga  major religious sector sa bansa ang tumututol sa RH Bill.

Aniya, katunayan ang ibang Christian churches ay suportado na ang RH Bill kabilang na ang interfaith Partnership for the Promotion of Responsible Parenthood; National Council of Churches in the Philippines; Iglesia ni Cristo; at Philippine Council of Evangelical Churches.

Sinabi pa ni Santiago na sa simbahang Katoliko, hindi naman lahat ay tumututol sa RH Bill sa halip ay hati kung saan ang ilan ay sumusuporta sa panukala na magkaroon ng malawakang kampanya para sa family planning sa bansa.

Nakasentro sa pag-alala ng simbahan ang una sa tatlong bahagi ng speech ng senadora  at sa susunod umano ay tatalakayin nito ang usapin sa constitutionality at kinalaman nito sa international law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply