RH bill pasok sa LEDAC

ISASALANG ngayon, Agosto 16, sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ang Reproductive Health bill na isa sa mahigit 20 panukalang batas na prayoridad ng Aquino administration.

Ang nasabing meeting na ipinatawag ng Pangulong Benigno Aquino III ay dadaluhan ng mga lider ng Kamara at Senado ngayong alas 10:00 ng umaga para pag-usapan ang pagsusulong ng mga priority bills.

Hindi pa naman nagpapalabas ang Malacañang ng mga listahan ng mga panukalang batas na ihaharap sa LEDAC pero isa na rito ang RH bill na tatalakayin sa LEDAC.

Ang RH Bill ay kabilang sa mga kontrobersyal na panukala at FOI na inaabangan kung isasalang sa LEDAC
.
Layon ng panukalang batas na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapatupad ng mga polisiyang  pangpopulasyon na labag sa kagustuhan ng mga tao.

Sa kabilang banda, and population development ay naglalayong tulungan ang mga mag-asawa na maabot ang gusto nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak.

Pinipigilan din nito ang mga kabataang magbuntis ng maaga at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.

Hindi umano kasama rito ang pagiging labag sa batas ng aborsyon.

Nilalayon ng panukalang batas na ito na siguruhing ang mga kababaihang mangangailangan ng kalinga para sa mga komplikasyong may kinalaman sa aborsyon ay tatratuhin sa paraang makatao at hindi mapanghusga. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply