RH Bill pinababasura ni Sotto

IPINABABASURA ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, ang Reproductive Health Bill.

Ayon kay Sotto, hindi na kailangan ang RH Bill dahil marami sa mga adhikain nito ay nakapaloob na sa mga umiiral na batas at programa ng gobyerno.

Inihalimbawa ni Sotto, ang sinasabi sa RH Bill na proteksyon sa kababaihan na dati nang nakapaloob sa Magna Carta for Women.

Ang adhikain naman ng RH Bill na pagtuturo ukol sa family planning, reproductive health, paglaban sa sexually transmitted diseases gaya ng HIV at Aids ay dati nang programa ng Department of Health (DOH).

Binigyang diin pa ni Sotto na dati na ring naglalaan ng badyet ang DOH sa mga artificial contraceptives.

“Pagkakakitaan lamang yan ng mga pharmaceutical companies ang RH Bill,” iginiit ni Sotto.

Pero binigyang diin nina Senadora Pia Cayetano at Miriam Defensor Santiago na kailangan ang RH Bill o Senate Bill No, 2865 at anila, ito ay hindi para paboran ang pharmaceutical companies kundi upang magkarooon ng National Policy ang gobyerno ukol sa reproductive health.

Sinabi ng mga senadora na lumolobo ang populasyon at ito ay dahil sa kakapusan sa edukasyon.

Iginiit pa nila na sa RH Bill, mandatory ang pagtuturo ukol sa reproductive health.

Ang nagpakontrobersyal lamang dito ay ang promosyon ng artificial contraceptives na itinuturing ng Simbahang Katoliko na imoral at delikadong kumitil ng buhay sa sinapupunan.

Muling ipagpapatuloy ang debate nina Santiago at Cayetano kontra sa mga kontrang senador sa RH bill sa susunod na pagdinig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply