Rich Asuncion ayaw pang umaming sina na ni Ervic Vijandre

NAG-DENY si Rich Asuncion na may relasyon na sila ni Ervic Vijandre na napababalitang constant date niya ngayon. Exclusively dating lang daw sila.

Usually kapag ganun, may mutual understanding (MU) na.

“Ganun? Hindi ko alam. Ako, okay naman siya sa akin. Pero siyempre bilang babae ang pangit naman kung ikaw ang mag-a-assume, ikaw yung una, di ba, ikaw yung magko-conclude na kayo, ganito, ganyan.”

Pinag-usapan ba nila ni Ervic si Aifah Medina na unang na-link sa model-turned-actor?

“Hindi.”

Naging sina Ervic at Aifah ba?

“Hindi ko alam, hindi ko tinatanong, hindi rin naman niya kinukuwento, kaya ewan ko.”

May chance naman daw si Ervic kay Rich…?

“Medyo, medyo. Meron naman kasi mabait naman siya. Mabait naman siya, so far puwede, puwede.”

So mag-MU na sila?

“Hindi ko alam, hindi ko alam. Sabi kasi di ba pag MU, gusto ka niya, gusto mo siya, di ba? Ako gusto ko naman siya, kung gusto niya ako, e di go!”

Ang rate from one to ten ni Ervic para kay Rich ay…

“Nasa eight!”

Nag-date na rin sila ng sila lang.

Nag-I love you na ba sa kanya si Ervic?

“Hindi pa, hindi pa, wala pang ganun. At hindi pa niya sinasabing ‘Oh gusto kitang maging girlfriend.’Wala pang ganun, ako rin naman.

“Pero talagang we are taking it slow. E sino bang nagmamadali, di ba?”

Okay rin daw sila ni Aljur Abrenica na napabalita dati na boyfriend ni Rich.

“Magkaibigan naman kami hanggang ngayon. Pareho kami ng handler kaya kung minsan nagkikita kami.”

Textmates sila?

“Dati. Hindi na kami masyadong nagte-text, hindi katulad dati nung malalim yung friendship namin, hindi katulad noon.”

Boto si Rich kay Kylie Padilla na napababalitang espesyal ngayon sa buhay ni Aljur.

“Oo naman! Si Kylie mabait sa akin, magkaibigan kami. Pag nagkikita kami sa Party Pilipinas, ‘Hi ate!’

“Pareho din kami ng handler ni Kylie.

“Mabait siya, ang ganda, ano pa bang hahanapin mo dun, seksi, iyon.”

Si Rich ay !st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2009.

Pero nadiskubre naming na hindi pa niya nakukuha diumano ang kumpletong premyo niya form the said beauty pageant.

“Hindi pa!”

Bakit hindi pa niya nakukuha?

“Hindi ko alam, hindi ko alam.”

Magkano pa ang kukunin niya?

“Fifty  (thousand). Actually niloloko ko na lang sila, katulad nung may NBA dito, di ba? Sabi ko ‘O, may libre ba akong tickets diyan?’

“Ganyan, ganyan. ‘Ah hingi ka kay ano kasi siya meron’. Sabi ko, ‘E yung utang ninyo sa akin?’”

Ano ang sagot sa kanya?

“Wala, deadma.”

May balitang may mga event ang Binibining Pilipinas na hindi na-attend-an si Rich.

“Actually… siyempre nung before ako nag-Binibini, alam naman nila na nag-aartista ako, di ba? And siyempre, bakit naman ako… bakit ko naman mas pipiliin yung events e may work nga ako, di ba?”

Tsuk!

-0o0-

NAKAKWENTUHAN namin si Derrick Monasterio sa presscon ng GMA Films offering na Tween Academy: Class Of 2012 na ipalalabas na sa mga sinehan sa August 24.

Isyu ngayon na dumistansiya muna sila ni Bea Binene dahil nakaaapekto sa kanilang mga loveteams. Nali-link kasi ang dalawa.

“Tama naman po siya kasi may loveteam nga po kami. Para rin makapag-focus ako sa loveteam ko, makapag focus siya sa loveteam niya and mag-bloom yung career namin ang maging established kami,” deklara ni Derrick.

Bakit hindi na lang ang ka-loveteam niyang si Lexi Fernandez ang ligawan niya?

“Ano po, bestfriend ko naman po si Lexi and nagkakaintindihan naman po kami na for work lang po yung sa amin.”

Mas mahal ba niya ang career niya kaysa kay Bea?

“Siyempre po mahal ko yung career ko

“Yung crush po na iyon, inspiration lang po yun.”

Crush lang niya si Bea?

“Opo. Crush lang.”

Binigyan ni Derrick ng Lacoste bag si Bea nitong nakaraang June kahit walang okasyon. Nakita raw kasi niya na favourite color ni Bea ang violet kaya ng makakita siya ng violet na bag ay binili niya para kay Bea.

‘Yun  na!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply