Road reblocking sa ilang lugar simula na bukas

MULA bukas hanggang sa Martes (Agosto 27-30) ay magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lugar sa Edsa, Commonwealth Avenue at Maynila.

Ito ay dahil sa sasamantalahin ng ahensya ang long weekend para magsagawa ng repair at maintenance works.

Kabilang sa mga lugar na magkakaroon ng road reblocking ay ang Edsa Trinoma Southbound; North Avenue sa may Veterans Hospital; Commonwealth malapit sa Philcoa; Sgt. Rivera sa may C-3; Ever Gotesco sa may Commonwealth; Congressional sa pagitan ng Visayas at Mindanao Avenue; Edsa Ayala Southbound; Osmeña-Don Bosco innerlane; Edsa Magallanes malapit sa loading at unloading bay; C-3 R-10; EDSA Balintawak-Monumento; España-Maynila at Edsa Corinthian Northbound.

Sinabi ng DPWH na isang lane sa mga nabaggit na lugar ang isasara sa trapiko.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga maaapektuhang motorista na dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta.

Manunumbalik sa normal ang mga nabanggit na lugar sa Miyerkules, Agosto 31.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply