Rollback sa presyo ng langis ipatutupad

MAGPAPATUPAD ng rollback sa presyo ng langis ang Eastern Petroleum epektibo mamayang hatinggabi.

Mababawasan ng P1 ang kanilang gasolina habang 75 sentimos naman sa diesel.

Ang rollback ay kasunod ng pagbaba ng halaga ng krudo sa pandaigdigang pamilihan  at ang paglamya ng merkado, ayon kay Eastern Petroleum Chairman Fernando Martinez.

Samantala, nagpahayag na rin Lunes ng tanghali ang Sea Oil na magpapatupad din ng rollback sa kanilang produkto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply