Rollback sa presyo ng LPG asahan sa susunod na buwan

KUNG nagbabadya ang muling pag-taas sa presyo ng gasolina, inaasahan naman ang muling pagbaba ng presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa susunod na buwan.

Ayon kay LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty,  buwanan silang nagpapatupad ng pagbaba o pagtaas ng presyo ng LPG.

Malaki aniya ang ibinagsak ng crude oil sa pandaigdigang merkado kaya malaki ang epekto nito sa presyo ng LPG.

Sa susunod na linggo pa nila masasabi kung magkano ang ibabawas nila sa presyo ng cooking gas sapagkat hihintayin pa nila ang panibagong contract price sa world market.

Taliwas naman ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na wala silang magagawa sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa ulat aabot sa P1.54 ang itataas sa gasolina at P0.56 naman sa kada litro ng diesel. Ang price hike sa presyo ng gasolina ay nakatakdang itaas sa susunod na linggo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply