Rollbak sa petrolyo makunat pa sa inuyat

MAKARAANG magsabi ang pamahalaan na kailangang magbaba ang mga kompanya ng langis ng kanilang presyo sa petrolyo, agad na  tumugon ang ilan sa maliliit na kompanya.

Pero ang Big 3 na binubuo ng Shell, Petron at Chevron o Caltex ay makunat pa sa inuyat.

Inabot pa sila ng halos tatlong araw bago nagbaba ng presyo.

Pinantayan lang nila, Suki, ang price rolbak ng mga maliliit.

oOo

Sa paliwanag ng mga kinauukulan, nagtataas ng presyo ang mga lintek na kompanya ng langis ng P2 kada litro kada pagtaas ng nasa $6 na dolyar sa bawat bariles ng langis sa pandaigdigang merkado.

Pero nang bumagsak ang presyo sa halagang $23 kada bariles, bakit P1-P1.60 kada litro lamang ang rolbak ng mga ito?

Bukod sa mabagal pa sa pagong na pagbaba ng presyo ng mga ito, mas mabilis pa sila sa kidlat sa pagtataas.

Lagareng Hapon, Suki, kung manloko ang mga ito kay Juan.

Kumikita sila sa oil price hike, kumikita pa sila sa bagal nilang magrolbak.

oOo

Ito namang Department of Energy ay talagang hindi maaasahan.

Tingnan ninyo.

Nagtatapang-tapangan ang mga diyaske riyan sa DOE sa pagsasabing kailangang madisiplina na ang mga kompanya ng langis kung hindi sila magro-rolbak.

Pero alam ninyo ang sinasabi ng DOE?

Anak ng … “Bahala na ang DOJ sa inyo.

Naku, malayong-malayo ito sa posisyon ng mga taga-BIR at taga-Customs na sila mismo ang nagsasampa ng mga kaso sa mga tax evader at smuggler.

Pero itong DOE?

Bahala na ang DOJ?

Isa pa, bakit hanggang P2 lang ang sinasabi ng DOE na rolbak samantalang sinasabi ng Senado na dapat nasa P6.

Bakit, huh?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply