Roof tagging scheme ng MMDA simula na sa Agosto 15

SISIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Agosto 15 ang implementasyon ng Roof Tagging scheme o paglalagay ng marka sa mga bus pampubliko lalo na yung dumadaan sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).

Inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) general manager Corazon T. Jimenez na uumpisahan muna ang pagpapatupad ng bagong scheme na ito sa public buses at sa kalaunan ay isasama na rin ang iba pang public utility vehicles (PUVs) tulad ng mga jeepney.

Nilinaw nito na hindi isinama sa tagging ang provincial buses dahil hanggang Central Bus Terminal na lamang sila. Ayon kay Jimenez, sa area ng Balintawak, Quezon City itatayo ang North Central Bus Terminal para sa mga bus na manggagaling sa norte, at sa Mall of Asia (MOA), Pasay ilalagak ang South Central Bus Terminal.

Ang tagging scheme, ay ipapaskil sa bubungan ng mga bus ang plaka nito upang matukoy ang mga pasaway na bus drivers na hindi sumusunod sa batas trapiko. Ang 68 CCTV cameras ng MMDA ang magsisilbing mata at ebidensiya ng paglabag ng mga bus driver.

Ipinagtibay ang implementasyon ng proyektong ito, matapos aprubahan ng Metro Manila Council noong Pebrero ngayong taon ang Resolution No. 11-02, Series of 2011.

Samantala, suportado ng mga city bus operators ang tagging ng mga PUVs dahil anila’y makakatulong ito sa pagtukoy at paghuli ng mga kolorum na bus. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply