Roxas, Macapagal blvds. gagawing billboard-free

PANGARAP ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magiging malinis at walang billboard na nakatayo sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Diosdado Macapagal Blvd. ilang taon mula ngayon.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang naglalakihang billboards ay dagdag gulo sa kapaligiran at sa mata ng mga nagmamaneho.

Kumpiyansa ang chairman ng MMDA na ang kanyang pangarap ay matatamo sa pamamagitan ng pagpaplano at kooperasyon ng iba’t ibang ahensya.

Sa pagbabaklas sa mga nakasasagabal na billboards, magiging maaliwalas sa mata ng mga magdaraan ar kaaya-aya sa mga turista, lokal man o dayuhan.

Nais ni Tolentino na sumunod sa yapak ng ibang siyudad sa ibang bansa tulad sa Honolulu sa Hawaii at Athens sa Greece na walang billboard sa mga pangunahing lansangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply