Roxas: Mga tren ng MRT alagaan

INATASAN ngayon ni Transportation Secretary Mar Roxas ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) na magsagawa ng anticipatory repairs upang maiwasan ang pagkalaspag ng mga tren nito.

Inihayag ni Roxas na aprub na sa kanila ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) na mas pagandahin ang pasilidad at operasyon ng MRT.

Ayon kay Roxas hindi solusyon ang privatization sa sunud-sunod na aberya sa mga tren ng Metro Rail Transit (MRT) na nakapeperhuwisyo sa mga komyuter.

Nabatid pa na bukod sa MPIC, nagpaabot rin ng kahandaan ang  San Miguel Corp., Ayala Corp., at DM Consunji Inc. para sa nasabing rehabilitasyon.

Ang MRT ay tumatakbo mula sa Pasay City hanggang sa Trinoma sa Lungsod Quezon.

Sinabi ni Roxas na may mga positibong resulta ang pagsasapribado pero hindi naman ito ang solusyon sa lahat ng problema.

Inihalimbawa ng kalihim ang MRT na pribadong kumpanya na ang namamahala sa repairs and maintenance pero patuloy pa rin itong nasisiraan.

Ayon kay Roxas, ang kalumaan ng mga tren at mga piyesa nito ang dahilan ng madalas na aberya kaya inatasan na niya ang pamunuan nito na agapan ang pagkalaspag ng mga tren.

Kamakailan mahigit sa isang oras na natigil ang ope­rasyon sa malaking bahagi ng MRT makaraang masira ang “signaling system” nito mula North Ave. hanggang Shaw Blvd.

Ang kanilang mga biyahe mula North Ave. station hanggang Shaw Blvd. ay naparalisa dahil sa sira sa sistemang nagkokontrol sa biyahe ng mga tren.

Libu-libong mga pasahero na naghahabol sa kanilang oras ang naapektuhan ng insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply