RP magiging exporter ulit ng asukal

POSIBLENG mag-export ang Pilipinas ng hindi bababa sa 300,000 metric tons (MT) ng raw at refined sugar ngayong taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, aabot sa 2.39 million MT ang aanihing asukal sa CY 2010-11, o 21.3% na mas marami kesa noong isang taon.

Dahil dito, maibabalik na umano ang pagiging sugar exporter ng bansa.

Ani Alcala, sobra sa pangangailangan ng bansa ang inaning tubo ngayong taong ito kaya magiging maganda ang presyo ng asukal.

Maganda rin umano ang balita ng DA-Sugar Regulatory Administration (SRA) dahil posible ring bumaba ang presyo ng asukal.

Ani Alcala, limang beses na mas marami sa dati ang inaning tubong pinagkukunan ng asukal kaya mabibigo ngayon ang mga pangunahing sugar supplier sa Southeast Asia na aangkat tayong muli ng asukal.

Aniya, sa ngayon ay bumaba na ang presyo ng asukal mula sa dating P2,480 per 50kg bag sa P1,300 na lamang.

Kahit umano ang refined sugar ay bumaba na rin ang presyo mula sa P2,600 per 50kg bag sa  P1,950.

Bumaba rin umano ang domestic consumption sa 655,840 MT, o 31% na mas mababa kumpara noong 2010 kaya may sobrang  300,000 MT.

Umaasa umano silang mas tataas pa ang level of production ng asukal sa CY 2011-12 ng 2.4 million MT raw sugar. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply