RP Young Woodpushers lalahok sa China

MULING magpapakita ng husay ang kabataang woodpushers sa muling paglahok sa ASIAN stage kung saan ang Team ASEAN ay masisilayan sa first edition ng China versus ASEAN chess match na iinog sa susunod na Linggo.

Tinampukang “China-ASEAN Youth Chess Classic Tournament 2011” ay magsisimula sa Agosto 23 hanggang 28 na gaganapin sa Lanice Hotel Inn, New Asia Athletics Park, Guangfu Road sa Kunming City, Yunnan Province, China.

Ayon kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero “Butch” Pichay Jr. ang babandera sa bansa sa tough at prestigious event ay sina Dennis Gutierrez III ng Bulacan/Pangasinan, Ronald Canino ng Cagayan de Oro City, Julius Gonzales ng Marikina City, Daryl Unix Samantila ng Tonsuya, Malabon, Irish Yngayo ng Davao City, Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan at magkapatid na Jerlyn Mae at Marie Antoinette San Diego ng Dasmarinas, Cavite.

Sina Gutierrez III at Canino ay matutunghayan sa open 8 years old and under, habang si Gonzales ay sa open under 10 at si Samantila ay sa open under 12. Sina Jerlyn Mae at Yngayo sa girls under 8, sina Marie Antoinette at Samantha Glo ay sa gilrs under 12.

May tatlong kategorya para sa U8, 10 at 12 na ipatutupad ang Double-Round Scheveningen System. Ang medals ay ia award sa best 3 individual results sa bawat kategorya. Ang winning team ay tatangap ng Challenge Cup.

Ang China-ASEAN Youth Chess Classic Tournament 2011 ay jointly organized ng Kunming Sports Development, Kunming Chess Association at Jinma Chess Club under auspices ng ASEAN Chess Confederation at Chinese Chess Association.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply