RRT galing Pinas nakaumang na sa Libya, Syria

NAKAUMANG na ang Rapid Response Team (RRT) na ipinadala ng Pilipinas sa bansang Libya at Syria upang umalalay sa pagpapauwi sa mga OFW na maiipit sa kaguluhan sa mga bansang nabanggit.

Nasa loob na ng mga bansang nabanggit ang mga miyembro ng RRT na binubuo ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Labor and Employment (Dole) na nagsanay upang maging handa sa anumang kaganapan.

Ang mga RRT sa Syria ay nakaantabay na anumang oras na magkaroon ng magandang pagkakataon na makalikas ang mga OFWs, samantalang sa Libya ay nasa Tunisia border na ang mga ito.

Direktang mag-uulat ang mga RRT sa Office of Diplomatic Matters na pinamumunuan ni Executive secretary Paquito Ochoa. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply