Rufa Mae Wah-effect Ang Pagtitilam-tilam kay Richard G.

APAT dapat ang drama nina Derrick Monasterio,  Bea Benine , Joyce Ching at Kristo- ffer Martin pag lumalabas, wala namang pag-amin na maririnig sa mga bagets.
Nang kumustahin namin kay Joyce si Kristoffer sa taping ng ‘Maynila’  ngumiti lang siya. Pati mommy ni Joyce ay binibiro namin at tintanong kung boto siya kay Kristo- ffer ay umiiwas siyang sumagot. Hindi naman daw siya artista para  magpa-interbyu. Ang natatandaan lang namin na dialogue niya basta, maligaya ang anak niya, okey sa kanya.
Tinukso namin sina Derrick at Joyce dahil magka-partner sila  sa ‘Maynila’ na baka ma-develop sila at magkagustuhan. ‘ Parang kapatid ang turing ko diyan,” mabilis na sagot ni Joyce.
Si Derrick  naman ay very vocal ngayon na crush niya si Bea. Kinikilig daw talaga siya at masaya siya everytime na nakikita at nakakasama niya ang young actress.
Bakit si Bea ang crush nya?
“Kasi ano siya, kakaiba siya sa ibang mga babae. She’s one of a kind,”sagot ni Derrick.
Aware naman daw si Bea na crush niya ito.
“Sa dami ng mga naglalabasang interviews ko na sinasabi kong crush ko siya, kaya alam ko na alam niya yun,”
Hindi ba naman naiilang na si Bea sa kanya?
“Hindi! Yun nga ang maganda doon e,” aniya.
Si Jhake Vargas ang ka-loveteam ni Bea. Kadalasan sa loveteam ay nagkakagustuhan. Paano kung mauwi sa isang relasyon ang loveteam nina Bea at Jake?
“Siguro okey lang yun sa akin. Basta masaya siya, basta nakikita ko siyang naka- ngiti, okey na yun,”
Hindi ba siya maha-hurt?
“Siguro konti lang,” pag-amin ni Derrick
“Basta masaya siya, okey na rin. Mahi-heal na rin yung hurt na yun,”  sambit pa niya.
Pero kinausap na raw niya si Jhake na type niya si Bea.
“Sabi ko, ‘Pare, alam mo ba, type ko si Bea.’ Sabi niya, ‘Ah, talaga?  Sige ligawan mo na!’ Ganyan pa ‘yang si Jhake. Pero deep inside, napi-feel ko na nahe-hurt si Jhake. Biniro ko pa, ‘O, sige, walang sisihan ha,'” natatawa niyang sabi. “Pero siyempre, naiintindihan ko naman po na loveteam sila,” aniya  pa.
Ngayong August  1 ang birthday ni Derrick pero wala siyang showbiz party. Kuripot daw kasi siya kaya ayaw niyang maghanda.
Pero hindi niya ba yayayaing lumabas si Bea?
“Hindi rin naman siya sasama kasi busy’ng tao siya,:”sey ng bagets
Regular pa ring napapanood si Derrick sa Tween Hearts at Sinner or Saint ng GMA 7.
Malapit na rin siyang mapanood sa pelikulang Tween Academy Class of 2012. At may dalawang pelikula pa siyang nakatakdang gawin, isang horror na pagsasamahan nila ni Rhian Ramos at yung pagsasamahan naman nila ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. O diba, bongga  si Derrick?
Talbog!
***
Sa halos lahat ng primetime series na ginawa ni Kim Chiu sa ABS-CBN 2 ay si Gerald Anderson ang naging kapareha niya. Pero sa bagong serye niya sa nasabing network, ang Binondo Girl, iba ang ang kapareha niya rito. Tatlo ang kanyang leading men  rito, sina Matteo Guidicelli, Xian Lim at Jolo Revilla.
Aminado naman si Kim na kinakabahan siya kung paano raw tatanggapin ng tao ang bago niyang primetime series na hindi na si Gerald ang katambal niya. Kaya naman nagda- rasal siya at humihingi pa rin ng suporta sa tao lalo na sa lahat ng fans nila ng aktor na suportahan pa rin ang Binondo Girl kahit solo na raw niya ito at hindi na nga si Gerald ang katambal niya.
Well, abangan na lang natin kung  magiging suceesful din ba sa ratings game ang Binondo Girl ni Kim gaya ng mga naunang primetine series niya kahit pa nga iba na ang katambal niya rito at hindi na si Gerald.
Pero naniniwala kami na magwawagi pa rin sa ratings ang Binondo Girl. Kapag ang Dos kasi ang gumawa ng serye ay talagang maganda, parang pelikula kaya naman pinapanood ito ng tao.
***
Inamin ni Rufa Mae Quinto na diamond ring ang pinakamahal na regalong natanggap niya sa buong buhay niya.
Ayon kay Rufa Mae ay nasa 2 to 3 karats daw ang naturang diamond ring na nasa vault ng isang bangko na ngayon. Iyon ang engagement ring na bigay sa kanya ni Mr. M, ang misteryosong ex-boyfriend ni Rufa Mae.
Nang tanungin ni Pia kung may pag-asa pang matuloy ang kanilang engagement, ang sagot ni Rufa Mae ay…
“Hindi ko pa naisip, ngayon ko lang kasi naisip dahil yung tanong nga sa kung ano ang mahal (na regalo). Kung may chance pa? Ewan ko, parang waley!
“Habang may buhay may chance, di ba?”
Inamin din niya na si Richard Gurtierrez ang gusto niyang maka-date.
“Eh kasi dito sa channel 7, sa Kapuso, parang siya yung pinaka- heartthrob natin, di ba? Na maganda car, na parang I wanna ride sa wheels niya, di ba? Mahal yung mga relo niya, gamit niya.
“Pero kaibigan ko si Chard kumbaga ano lang naman… yung tanong nag-isip lang ako pero wala namang malisya. Kung ano yung mga choices sa tingin ko siya yung pinaka-puwede.”
Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply