Ruffa Gutierrez muntik matepok sa PAL flight patungong LA

NANGANIB ang buhay ng aktres na si Ruffa Gutierrez nang masiraan ng landing gear ng sinasakyang flag carrier patung Los Angeles.

Ayon sa actress kasama niya ang kanyang ina na si Anabelle Rama sakay ng PAL Flight PR 102 para bisitahin ang kanyang ama nang malamang nasira ang landing gear ng eroplano.

Sa kabutihang palad ay ligtas na nakalapag sa Los Angeles International Airport ang eroplano makaraang tatlong oras na magpaikut-ikot sa ere ang eroplanong Boeing 747.

Ipinatawag pa ng LA International Airport ang “crash team” nang sinubukang lumapag ng eroplano.

Subalit sa pinakahuling report ng US media, ligtas na lumapag ang eroplano sa paliparan.

Kinabahan naman ang aktres na si Ruffa Gutierrez nang malaman ang balita.

Umaabot umano sa 420 ang sakay ng PAL flight na ito.

Samantala, kanselado na ang ilang domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Kabilang dito ang ilang biyahe ng Air Phil. Express at Cebu Pacific na patungo at mula Tuguegarao, Cagayan.

Kanselado rin ang biyahe ng Cebu Pacific patungo at mula Laoag, Ilocos Norte.

Suspendido rin ang biyahe ng Sea Air patungo at mula Basco, Batanes kasama rin ang Zest Air patungo at mula Masbate.

Marami namang mga pasahero ang labis na nadismaya at naabala ng husto dahil sa mahahalagang schedule na nawala at hinahabol din ang inaasahang mahabang weekend.

Wala pa namang anunsyo ang iba pang airlines sa kanilang flight cancellations ngayong araw, Agosto 27. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply