Ryan Agoncillo nagback-out sa ‘Sa Ngalan ng Ina’ ng TV5 dahil sa busy sked

TULUYAN nang nagback-out sa soap opera ng TV5 na “Sa Ngalan ng Ina” si Ryan Agoncillo. Dahil ito sa hectic schedule ng husband ni Judy Ann Santos. Busy rin kasi ito sa iba pa niyang shows tulad ng Eat Bulaga at ng kanyang programang Talentadong Pinoy.

Ipinalit agad sa kanya si Ian De Leon, ang son nina Nora Aunor at Christoppher de Leon. Bale balik-soap si Nora sa Sa Ngalan ng Ina. Ang soap na ididirek ni Mario O’Hara ay magkakasama-sama ang mag-iina sa one season soap ng TV5.

Sa istorya, magkalaban sa pulitika sina Nora at Christopher.

Magiging husband ng aktres rito si Bembol Rocco pero maikli lang ang role ng aktor bilang isang politician na sinalo ni Nora ang political career.

000

AYAW ni Solenn Huesaff sa mga lalaking “bobo.” Gusto niya ngayon ay lalaking matatalino at matatag sa buhay na puede niyang sandigan kahit anong oras. Gusto niya ng matalino at matatag para marami siyang matutunan sa buhay.

Tapos na raw siya sa period na ginagawa niyang paikutin ang mga lalaki. Gusto niyang may matutunan siya sa buhay. Siya ay 26 years old na ngayon, mature na siya at super talino at maraming nalalamang trabaho sa buhay.

Bukod sa pagiging actress, singer, painter, stylist ay magaling din siyang magluto.

Kaya sa first solo concert niyang  “Solenn on Stage” na gaganapin sa August 19  and 26 sa Teatrino, Promenade sa Greenhills ay makikita ang tunay na Solenn sa kanyang mga awitin.

Kasama sa guests ni Solenn ay sina Ogie Alcasid, Geoff Taylor at Erwan Heussaff.

Bale ngayon lang nararamdaman ang pag-akyat sa stardom ng French-Filipina artist. May debut album na siya s MCA, na nai-release last month, ang self titled album niyang Solenn ay nasa No. 7  sa over all CD charts ng Astrovision. Ang kanyang single na Fire ay No. 9 na sa MYX charts.

Ani  Solenn: “I’m really nervous but I’m really going  to do my best, and I hope it wil be an incredible and unforgettable experience.”

Ang Solenn on Stage ay presented by GMA 7, Manila Bullentin, Ginebra San Miguel, Antonov Vodka and Vitresse in cooperation with Asian Secrets, Penshoppe, Greenwich Pizza, Mica Music, Redbox, Auntie Anne’s and LVD Mutimedia. For tickets please call Ticketworld at 8919999, Music Museum 7210635. Ang show ay magsisimula ng 8 p.m.

000

KAHIT may problemang pampamilya ngayon si Bea Binene, hindi pa rin niya nakakalilimutang tuparin ang kanyang daily routine activities bilang young actress. Sobrang close si Bea sa kanyang father pero may pinagdadaanan ngayon ang kanilang pamilya.

Pansamantalang humiwalay muna sa kanilang bahay ang kanyang ama dahil may konting di pagkakaunawaan muna ito at kanyang ina.

Halata lately na malungkutin si Bea dahil kahit papaano ay nami-miss niya ang mapagmahal niyang ama. Two months na raw itong hindi umuuwi sa kanilang bahay pero, may regular communication naman ang mag-ama.

Perehong inspiration ni Bea ang kanyang ama’t ina kung bakit siya ganito kasipag magtrabaho. Pero hindi apektado si Bea sa taping ng Pahiram ng Isang Ina. Regular na mapapanood pagkatapos ng Eat Bulaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply