Sa 1 tansan, 3 lamok-dengue ang nabubuhay

PAKINGGAN natin, Suki, ang tagubilin ng mga doktor laban sa sakit na dengue.

Simple lang ang tagubilin nilang mga doktor: maglinis ng kapaligiran.

Sa isa o ilang oras lamang, magagawa natin ito.

At magagawa nating maglinis ng malawak na kapaligiran kung magsasama-sama ang lahat sa paglilinis.

oOo

Ano ang mga dapat na linisin?

Lahat ng mga namamahay na tubig.

Kung tumatakbo o dumadaloy ang tubig, malamang na hindi pamamahayan yan ng lamok.

Ito ang siste, mabisyo ang mga lamok na may dengue.

Doon pa sa malilinis na namamahay na tubig sila nangingitlog at nagpipisa ng itlog.

Kaya nga, pati tansan na napakaliit ay pupuwede nilang pangitlugan.

At alam ba ninyo kung ilan ang itlog na napipisa sa isang tansan?

Dalawa o tatlong lamok.

Eh kung nabuhay yang mga lamok na yan at kumagat sa atin, paano?

Eh lumilipad ang mga lamok na ito ng hanggang tatlong kilometro.

Ibig sabihin niyan, Suki, matapos mag-iwan sa atin ng sakit, magkakalat pa sa ating mga kapitbahay ng kaparehong sakit.

Hotspot o state of calamity sa barangay o munisipyo o lalawigan ang susunod na mangyayari.

oOo

Napakalaking perhuwisyo ang dulot ng dengue.

Tingnan ninyo, umaabot na sa 45,333 ang tinamaan ng sakit at may 267 na ang namamatay.

Pamilya ang tinatamaan niyan at kung itay-mis payb mo yan batay sa 5 tao sa isang pamilya, eh, di nasa 250,000 katao na ang napiperhuwisyo?

Pati ang gobyerno napiperhuwisyo.

Kaya magtulungan tayo lahat, Suki, laban sa dengue.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply