Sa pagbabayad ng Smart sa Maynila: Atienza panalo

NAGBAYAD pala ng P40 million pesos ang Smart Communication sa kanilang realty tax sa lungsod ng Maynila. Hindi sinunod ng Smart ang batas ni Lim at Isko.

Kung hindi pala nagdemanda si dating Mayor Lito Atienza, malamang tuloy ang ligaya ng mga lumagda sa Ordinansa at naging kaawa-awa naman ang mga maliliit na negosyante sa Manila, at mawawalan ng benepisyo ang mga mamamayan sa mga pangangailangan nila sa gamot at iba pang serbisyo na nagmumula sa pamahalaang lungsod.

Nagbayad ang Smart Communication, ibig sabihin, mali yung batas na ginawa nila Mayor Lim. Sa unang sultada ng pakikipaglaban ni Atienza para sa kapakanan ng kaban ng Maynila, panalo siya sa unang round.

Takot din siguro ang Smart na madamay ang kanilang business sa kuwestyonableng ordinansa ng grupo ni Lim kaya ayun at nagbayad ng realty tax kahit pa binigyan sila ng pabor ng City Council sa pagiging libre sa tax. Ibig sabihin, tama yung demanda ni Atienza dahil kung hindi siya nagdemanda, hindi magbabayad ang Smart.

Ano ngayon ang mukha ng mga gumawa at lumagda sa Or-dinansa? Hindi ba malaking kahihiyan at sampal sa inyo ang ginawang pagbabayad ng Smart?

Hindi tuloy maiwasang mag-isip ang mga Manilenyo na kayo lang ang may kagustuhan na bigyan ng pabor ang Smart nang may kapalit. E pumalpak dahil pinigilan ni Atienza. Ano ngayon ang mukha ninyo sa taumbayan? Nasaan ngayon ang gobyerno ng Maynila?

Napahiya sila. Nagpasa sila ng ordinansa at pinirmahan ito, e hindi naman sinunod ng Smart. Sabi tuloy ni Atienza, ano ba yan, pakana ba nina Lim at Moreno yan? Hiniling ba ng Smart iyan?  O ibinigay nila pero hindi sila iginalang, nagbayad pa rin.

Parang nahuli mo yung bata, kumukupit (halal ng bayan, lingkod bayan kumukupit) dahil nahuli, nag-alisan sila ngayon, isinoli yung mga konting nakuha.

Ang tanong, yun bang attempted killing, o attempted murder, hindi ba kriminal din yun? At ang ginawa nila ay attempted corruption na maituturing na kriminal pa rin. Kaya tuloy-tuloy ang demanda. Let the Ombudsman now rule on the legality, illegality, the criminal orientation of the intent of the law. The intent here is to deprive the people of Manila of very much needed taxes and that is a crime or illegal measures.

At sa pagkakapanalo ni Atienza sa unang round, mas lalong tumibay ang kanyang adhikain na ituloy ang laban sa Ombudsman. Let them rule. Puwede bang makalusot yan, eh attempted graft and corruption yan.

Ang mangyayari niyan ay mai-encourage yung iba, kaya tuloy ang demanda dahil kailangan ay maglabas ng desisyon ang Ombudsman and we believe that an attempted act of corruption is still a crime.

At this point, dapat na pasalamatan din ang mga chairman na sumama kay Atienza dahil napatunayan nila at naipagtanggol ang interes ng Maynila lalo na ang mahihirap na umaasa sa mga gamot at ospital na matutulungan ng salaping ito.

Sa panig ng Smart, sabi ni Atienza, dapat din daw pasalamatan sila.“We appreciate the actions of Smart Communication na binayaran nila bagama’t kinakailangan pa rin ang kabuuan ng kanilang tax para sa lungsod Maynila,” sabi ni Atienza.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply