Sagupaang San Beda, San Sebastian inaabangan

ANG pinakahihintay na banggaan ng defending champion San Beda Red Lions at ng karibal na San Sebastian Stags ay napipinto matapos na pagwagihan ng dalawang koponan ang kanilang laro sa NCAA men’s basketball league sa The Arena sa San Juan City Miyerkules ng hapon.

Sa kabila ng pagkawala dulot ng suspension sa forward ni Jake Pascual ng Red Lions ay pinatumba nila ang Jose Rizal Heavy Bombers 77-69 habang sinuwag ng Stags ang Mapua Cardinals sa score na 71-66 na senyales ng napipintong paghaharap ng dalawang powerhouse team sa Agosto 19.

Si Garvo Lanete ang nagtala ng game high 23 puntos kabilang dito ang limang triples habang ang malaking si Dave Marcelo ay nagpasabog ng 13 points ang kumalawit ng 8 rebounds na labis na ikinasiya ni Red Lion coach Frankie Lim.

Pinabagsak naman ng San Sebastian Stags ang Mapua Cardinals sa pangunguna ni Ian Sangalang na pumuntos ng 20, Calvin Abueva, 17 at Ian Pascual, 13. Maghaharap bukas, Biyernes, alas-2:00 ng hapon ang San Juan de Letran Knights ang Emilio Aguinaldo College Generals samantalang ang Arellano University Chiefs ay makababangga ang College of Saint Benilde Blazers sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply