Sakit ni FG kinumpirma ng Senate doctor

KINUMPIRMA ng sariling doktor ng Senado na may karamdaman ang dating First Gentleman Mike Arroyo alinsunod na rin sa kanyang ginawang dahilan para makaiwas sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng PNP chopper scandal.

Ayon kay Dr. Mariano Blancia, ang director ng Senate medical and dental bureau, kung siya ang tatanungin talagang grabe umano ang sakit ni Arroyo at nanganganib na lumala kung ma-stress.

“Grabe din ang sakit niya lalo na kung sinubject mo siya sa stress kasi magdi-dissect, maghihiwalay yung blood vessels niya,” ayon kay Blancia.

Nabatid na ipinag-utos ng Senado sa doktor nito at kay Philippine Heart Center executive director Dr. Manuel Chua Chiaco na alamin ang kalagayan ni Arroyo matapos na ginawang dahilan ang karamdaman upang makaiwas sa imbestigasyon ng kapulungan.

Kasama ni Blancia na sumiyasat medical records ni Arroyo ay si Dr. Ernesto Sison Jr., sa St. Luke’s Medical Center kung saan nakausap ang cargiologist ng dating unang ginoo na si Dr. Jose Nicholas Cruz at dito ipinakita ang mga medical records.

Gayunman, sa kanyang sulat kay Guingona, hiniling ni Chiaco na kanya pang pag-aralan ang mga medical records ni Arroyo at alamin kung may kakayahan ito na dumalo sa pagdinig ng Senado.

Si Arroyo ay inimbitahan ng Senado kaugnay ng mga akusasyon ng testigo na nagmamay-ari ng dalawang lumang helicopters na binili ng PNP sa presyong bago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply