Saklolo sa mga biktima ni ‘Mina’

HABANG tinitipa natin ito, may naiulat nang namatay dahil sa bagyong “Mina.”

Sa lalawigan ng Pangasinan namatay ang dalawa katao nang matabunan ang kanilang tahanan ng isang lanislayd.

Tiyak na may kasunod pang katulad na pangyayari dahil na rin sa bagsik ng signal namber 4 na si Mina na lumapag sa Cagayan kania (Sabado, Agosto 27).

Kabilang sa mga paunang ulat ang pagkawala ng kuryente sa maraming lugar sa Isabela, Cagayan at Kalinga, Apayao at Batanes.

Higit dito, sinasabing nagsimula na ang baha na tiyak na sasalanta sa maraming kabuhayan sa nabanggit na mga lalawigan na tinamaan ng signal namber 4 hanggang signal namber 2.

Maisan at palayan ang sinasabing nagsimulang lumubog sa baha simula ngayon.

Kung magtatagal ang bagyo hanggang sa araw ng Martes sa nasabing mga lugar, tiyak namang malaki ang pinsalang idudulot nito.

oOo

Batay sa ulat ng PAGASA, buong hilaga at gitnang Luzon, Metro Manila at ilang bahagi ng Kabikulan ang tinamaan ng bagyo.

Suwerti natin at nagkataong apat na araw na bakasyon ang panahon ng pananalasa ni Mina.

Kahit papaano, buo-buong pamilya ang mga nagtutulong-tulong na lumaban sa bagyo at sa mga epekto nitong mga baha at lanislayd.

Maraming ama at ina na karaniwang wala sa loob ng kanilang tahanan dahil sa kanilang trabaho sa malalayong lugar ay nakauwi para magsilbing lakas ng mga pamilya na humarap sa bagyo, baha at lanislayd.

oOo

Ang gobyerno, ang mga onorabol gaya ng mga kongresman, senador at taga-Palasyo, nasaan ang mga ito sa kalagitnaan ng bagyo at kapinsalaan?

May inihahanda ba silang pansalo sa biktimang si Juan?

Sana, meron naman!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply