Salisi Gang lumilinya sa mga punenarya

PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa lumilinyang mga miyembro ng Salisi Gang sa loob mismo ng mga punenarya sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD),  isa sa mga sikretong pamamaraan ng miyembro ng kilabot na grupo ay  magkukunwaring nakikiramay habang nasa loob ng mga kilalang punenarya sa lunsod pero ang tunay palang target ay ang  magnakaw lamang.

Tulad na nangyari nitong nakaraang Biyernes sa biktimang itinago sa pangalang Sheila.

Ayon  sa biktima, may dumating na isang hindi niya kilalang lalaki sa burol ng kanyang namatay na kamaganak.

Aniya, nagpakilala ang suspek na isang Dr. Bryan at kaibigan ng kanyang namatay na kamag-anak at nakipagkuwentuhan sa kanya hanggang sa utusan siya nitong kunin ang bulalak ng patay sa kotse nito.

Lingid kay Sheila, 21, habang hinahanap ang klase ng sasakyang inilarawan ng suspek na pagkukunan ng bulaklak sa parking area ng isang punerarya sa Quezon Blvd., sinamantala ito ng suspek at kinulumbat ang cellphone at mahigit P4,000 cash sa bag ng biktima.

Nalaman na lamang ng biktima na miyembro pala ng salisi gang ang kanyang nakausap nang makitang bukas na ang kanyang bag at nawawala na ang kanyang cellphone at pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply