SALN ni Iggy Arroyo pinakakalkal sa Ombudsman, BIR

PINAKAKALKAL ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano ang Office of the Ombudsman at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Statement of Assets and Liabilities Network (SALN) o tumpak na yaman ni Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

“Tignan na rin natin yung SALN at pondo ni Iggy Arroyo tutal mahilig naman siyang pumasok at mag-represent. Remember sinabi ni Serge Osmeña na kilala niya si Iggy dati at walang-wala yan. Bakit ngayon na naging president ang sister-in-law naging bigtime?” pahayag ni Cayetano.

Ayon sa senador, dapat buksan ng BIR ang lahat ng records sa yaman ni Rep. Arroyo upang mapatunayan na nagsasabi ito ng katotohanan kung nagbabayad ito ng tamang buwis sa gobyerno matapos akuin ang pagrerenta sa maanomalyang chopper na ibinenta sa Philippine Natoinal Police (PNP).

“Buti naman pumasok siya sa eksena at sana buksan na rin yung records. Kasi kung naaalala mo na siya si Jose Pidal at sinabi na yung natira sa election funds ay sa kanya nagpunta,” ayon kay Cayetano.

Nais din ng senador na matukoy ng BIR kung siya mismo ang may-ari ng Jose Pidal account na pinaglagakan ng milyung-milyong pondo na sobra sa campaign funds ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

“Ngayon na yung BIR ay independent, ngayon na yung Comelec ay independent, pwede na nating tignan kung siya talaga si Jose Pidal at bakit hindi dineclare for taxation purposes yung excess na funds na milyun-milyon.,” dagdag ni Cayetano.

Matatandaan na dalawang ulit nang sinalo ni Rep. Arroyo ang nakatatandang kapatid na si dating First Gentleman Mike Arroyo sa anomalyang kinasasangkutan nito partikular ang Jose Pidal account at nitong huli ang chopper scam sa PNP.

“Walang problema na may magdepensa (ng kapatid). Walang problema na gumawa siya ng dahilan o rason. Ang importante panindigan niya at tingnan natin kung siya ay may tinatago o ginagamit lang niya ang sarili niya para itago ito,” giit ng senador.

Nauna nang inimbitahan si Rep. Arroyo ng Senate Blue Ribbon Committee na siyang kinatigan ni Senate President Juan Ponce Enrile kahit lalabagin ng Mataas na Kapulungan ang tradisyunal na “inter-parliamentary courtesy” na siyang ibinasura ng miyembro ng komite.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mas mahalaga ang pambansang interes kaysa sa inter-parliamentary courtesy na gagamitin o ginagamit ni Rep. Arroyo upang makaiwas sa paggigisa ng Senado sa kotnroberisyal na P105-milyon chopper scam.

“Let’s give him what he wants. Tutal dumedepensa siya at para niyang pinapaalala na ‘Uy andito ako at hindi naman yung kapatid ko kundi ako,’” ayon kay Cayetano.

“Kung gusto niyang sumama sa investigation, di imbestigahan natin. Pagbigyan natin siya,” patapos ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply