‘Salonpas strategy’ ni PNoy laban sa Arroyos, palpak

“Salonpas Strategy” ni Pang Noynoy Aquino laban sa mag-asawang Rep. Gloria Arroyo at FG Mike Arroyo ay palpak. Kaya ngayon ay lalong dumarami ang sektor ng lipunan na hindi nagkakagusto sa walang humpay na panggigipit at benggansa ng gobyernong Aquino sa mag-asawang Arroyo.

Katunayan, maging ang mga obispo ng simbahang Katoliko ay umalma na rin sa nakikitang “kalupitan” ng Malacañang sa mga Arroyo. Kaya ang panawagan nina ex-Dagupan Archbishop Oscar Cruz at Caloocan Bishop Deogracias Iñiquez makatwiran lang na huwag na munang kaladkarin sa mga imbestigasyon ang mag-asawang Mike at Gloria dahil sa kondisyon ng kanilang kalusugan.

Ayon sa kaparian, hindi ibig sabihin na ayaw nang taumbayan na malaman ang mga katotohanan sa mga bintang na iskam at katiwalian laban sa mga personalidad at opisyal ng nagdaang rehimen. Hindi lingid sa kaalaman ni PNoy na marami na ang nadidismaya sa kanyang walang humpay na paninisi at pagbibintang sa Arroyo admin.

Tinawag na “Salonpas Strategy” ang naisip ng kanyang political adviser na si Sec. Roland Llamas at grupo nito sa Party list na Akbayan. Yung pantapal kasi sa mga masasakit na  kasu-kasuan ay salonpas at sa mga anomalya at katiwalian naman ng gobyernong Aquino ay ang mag-asawang Arroyo ang ipinagsisigawan para hindi mabuking ang kanilang mga katiwalian.

Kung inyong matatandaan, unang araw pa lang ng Aquino admin ay sandamakmak na agad ang kapalpakan nito habang walang ‘appointee’ si  PNoy na hindi nasabit sa kontrobersya.

Talamak pa rin ang kriminalidad, walang pagbaba ang presyo ng mga bilihin at hindi masawata ang smuggling at garapalang mga anomalya sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan.

Ginagamit ang propaganda para pagtakpan ang kapalpakan ng PNoy admin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply