Saludo sa Dragon Boat team; carnappers ubusin

ANAK ng pitong putakte, ano na ang nangyayari sa mahal kong Pinas?

Habang may nagbibigay ng karangalan sa atin, may naglalagay naman sa atin sa kahihiyan.

DRAGON BOAT TEAM

Saludo tayo sa mga magigiting na miyembro ng Dragon Boat Team.

Naging kampyon sila sa international competition sa sagwanan ng bangka sa Florida, Amerika.

Sa tuwa ng mga Filipino roon, binigyan ang team ng kahit papaano ay mga biyaya.

Mabuhay ang Pinas, pagmamamalaking sigaw nila.

SOBRANG KAHIHIYAN

Pero sa Pinas, anak ng tokwa, wala silang maaasahan!

Dahil hindi sila umano ang opisyal na team ng Pinas at hindi rin kasali sa anomang samahan sa ilalim ng Philippine Sports Commission, ni singkong duling ay wala silang maaasahang ayuda.

Wala ring pagsalubong sa mga ito mula sa pamahalaang PNoy.

Ang nakahihiya pa, napag-alaman na para may makain ang mga ito, kinakailangan pa nilang magbaon ng sardinas para lang may makain sila.

At naninisid sila ng mga isda at tahong sa maruming tubig ng Manila Bay para lang may maulam.

Para makaipon naman ng mga pamasahe at kaunting baon, kinakailangang magbenta ng mga basura ang kanilang mga pamilya.

O hindi ba malaking kahihiyan ito, PNoy?

KARNAPER KAHIT SAAN

Nagulantang tayo sa mga balita ng mga kasamahan nating mga  parak kahapon ng madaling araw hanggang umaga.

Naging almusal natin ang pagsubaybay sa magkahiwalay na patayan sa Makati City at Quezon City.

Mga carnapper natodas.

Pito sila lahat, sabi ng mga pulis.

Pero isa naman ang nagbuwis ng buhay — si PO1 Muslit Manaoag.

Sir, mabuhay k!

UBUSIN SILA

Lumaban ang mga carnapper habang gumagampan ang mga pulis ng kanilang mga tungkulin.

Patunay rito ang naganap sa Makati City na isang pulis ang namatay at isa ang nasugatan.

Masuwerte naman ang mga bata ni General Sammy Pagdilao at walang nalagas sa kanila.

Sa ganitong sitwasyon, hindi umubra sina piskal at judge dahil nagkaroon ng instang hukuman sa lansangan.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa prog-ramang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply