Sam Concepcion and his ‘Eric Quizon school of acting prowess’ hahaha!

MAGANDA naman ang istorya ng “Way Back Home” ng Star Cinema and we must say na very well acted ang naturang film. Makinis din ang pagkagawa nito na pawang mahusay ang mga nagsiganap. Hindi na namin iisa-isahin ang mga merits nila, basta as a whole mahusay ang acting ensemble ng mga artsitang kasama sa Way Back Home.

Isa lang ang obserbasyon naming, and this is about Sam Concepcion na may tsismis na bading daw. We notice that in his many scenes, parang tipong idol niya si Eric Quizon. As it is, very Eric Quizon ang acting ni Sam, lalo na run sa pagbigkas ng mga katagang English. Sam is very comfortable in his English dialogues, pero like we notice, talagang mala-Eric Quizon ang acting niya.

“If there’s such a thing as Eric Quizon school of acting, yun ang sinusunod na prinsipyo ni Sam Concepcion.

Not that we think is it negative, mahusay namang actor si Eric but evident ang lamya ni Sam kapag nga umaakting siya.

May mga nagtatanong tuloy na kung totoo raw bang bading si Sam Concepcion kaya ganoon ang acting niya?

Nagtatanong lang po, puwedeng di na sagutin.

Hahaha!

***

Malaking tagumpay ang show ng National Press Club

DINUMOG as in wala talagang maupuan ang ibang nanood ng “Amazing & Awesome” show ng National Press Club sa Zirkoh Morato noong Sabado ng gabi, Agosto 20. It is obvious na limpak ang kinita ng naturang show which is earmarked para sa educational and medical projects ng NPC sa pangnguna ni Mr. Jerry Yap at mga kasamang opisyales ng National Press Club. Isang magandang project ito dahil nga tiyak na malaki ang naikyat nito para sa proyekto.

Bukod sa NPC, we would like to congratulate ang supervising producer of the show na si Roldan F. Castro, napakaganda ng line up ng show and we must say na ito ang sikreto kung bakit dinumog ang palabas.

Headliners, of course, si Arthur Manuntag na sort of icon na sa mga sosyalerang watering holes sa Makati. Talaga namang bitbit ni Arthur ang kanyang built-in clientele. At during the show, Arthur, literally brought the house  down.

Kasama rin sa show sina Lemuel Santos, Gara Lorenzana, Joprad Dela Torre, Gerald Santos, Sitti, K Brosas, and the phenomenal JM de Guzman.

And speaking of JM, noon lang namin nalaman na anak pala ito ni NPC director Ronniel de Guzman. At ang nanay pala nito ay si Ria Crisostomo who was a reluctant star in her time. Ang tunay na pangalan po ni Ria ay Honeylore Gob at anak ng aming kaibigang yumao na, si Ms. Fely Gob.

Together with the late Jun Salvador, we discovered Ria while a student of Foreign Service at the Lyceum of the Philippines. Jun spotted Ria at her family owned canteen near Lyceum and told me right away na star material ito. We brought Ria to Direk Tony V. Reyes, and presto, ginawa siyang bida agad sa Lost And Found Command na sa Gaines Island sa Subic kinunan ang kabuuan.

Nakasama noon ni Ria bilang mga bida sina Angela Perez at ang naging controversial newbie noon na naanakan ni Philip Salvador, si Vivialyn Dungca.

To make a long story short, maagang nawala sa eksena si Ria dahil nga inapura na siya noon ng guwapong-guwapong si Ronniel, na later on ay naging newsman sa isang leading broadsheet. Panganay nila si JM who turns out to be a very skilled actor.

Sa ngayon, JM is the toast of local showbiz at naniniwala ang lahat that he will become a very durable actor in the tradition of great actors before him.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply