Sam Pinto di pabibiktima kay Marian Rivera

BUKOD pala kina Bela Padilla at Heart Evangelista, nakabangga rin ni Marian Rivera si Bianca King, at ang dahilan, matinding selos.
Yes, kaunting kibot lang, nagseselos daw si Marian at ito rin ang madalas na pinag- aawayan nila ni Dingdong Dantes. Di man sabihin, tiyak na nag-aalburoto rin si Dingdong kung ganyang napaka-possessive ni Marian at kahit na sinong lalaki ay masasakal pag ganyan ang attitude ng isang babae.
Lason nga naman sa relasyon ang sobrang selos at hindi na kami magtataka if in the end, maghihiwalay din ng landas sina Marian at Dingdong at ang magiging dahilan ay ang pagkamahadera ni Marian sa mga babaing napalalapit kay Dingdong Dantes.
Pero di raw papayag na mabiktima ni Marian si Sam Pinto. Ngayon pa lang, pinaghan- ndaan na raw ni Sam sakaling pagbalingan siya ni Marian. Sa ngayon kasi, medyo pu- moporma nga si Dingdong sa pinakaseksi sa FHM na si Sam kaya di malayong sila ang susunod na bibiktimahin ni Marian.
“Hindi namin papayagan yun, kung hindi lalaban si Sam, kami ang lalaban para sa kanya,” sabi ng isang grupo ng fans ni Sam Pinto.
Yes, nakahanda raw ang grupo ng fans na ipagtanggol si Sam laban sa kanino mang kakalaban kay Sam Pinto.
Ganun!

***

Bonggang welcome kay Nora Aunor! (Lotlot De Leon di sinalubong ang kanyang Mommy)

Bongga talaga ang pagdating ni Nora Aunor noong Martes, sa airport, nagkaroon ng balyahan, as a matter of fact, isang pasahero ang nasagasaan although, di naman gaanong napinsala dahil sa kaguluhan. Higit sa dalawang daang Noranians ang sumalu- bong kay Ate Guy at kitang-kita ang excitement ng marami kahit na malakas pa ang bagyo.
May inihandang bonggang presscon sa kanya ang TV5 na ginanap sa Shang-rila, pero wala kaming significant news about it, kasi nga, di naman kami invited sa okasyon. We can only surmise na talaga namang nasagot ni Ate Guy ang lahat ng mga katanungan na may kaugnayan sa kanyang pamamalagi ng walong taon sa Estados Unidos.
For more news about her homecoming, tiyak na ilang linggo ring magbabaha sa buong showbiz. Kabi-kabila talaga, gustong maging kaparte ng pagbabalik ni Nora Aunor.
But of course, let us expect na bigger part of the parcel pagdating sa mga balita ay mula sa TV5 at mga media component nito dahil nga may kontrata sa kanila’ng superstar.
May gagawing mini-series si Guy sa nasabing estasyon at kasama ang network sa nag-asikaso sa pag-uwi ng Superstar hanggang sa pagdating at pananatili rito sa bansa.
Bukod sa grand welcome presscon ng TV5 ay magpapatawag din si Laguna Governor ER Ejercito a few days from now para naman sa pelikulang pagsa-samahan nila ni La Aunor, ang El Presidente.
Bukod sa pelikula at mini-series, isa rin sa pagkakaabalahan ng superstar habang naririto siya ay ang pagre-revive ng kanyang The Nora Aunor Foundation na layuning makatulong sa marami niyang tagahanga.
At gaya ng nauna naming sinabi, tiyak na pati mga anak ni Nora ay maambunan ng mga balita tungkol sa kanya.
Una na rito yung mga statement ni Lotlot De Leon na hindi siya nakasalubong sa ina dahil nga may trabaho ito.
Gustung-gusto raw makita ni Guy kaagad ang mga anak pagdating na pagdating niya at pupunta raw ang mga ito sa hotel na tinutuluyan niya.
“Kapag settled na o nakapahinga na si Mommy, pupuntahan ko na lang siya. Pagod ‘yun eh. Ayoko namang makisiksik. Gusto raw ni Mommy, pagdating niya sa hotel, gusto niya, nandoon kami lahat (na mga anak niya). Kaso, wala nga ako dahil I have shoo- ting. Sabi ko, ‘yung mga bata, isasama ko na lang ‘pag nagkita kami para isang puntahan na lang.
“But I’m sure, sina Matet were there — Matet, Kiko, Kenneth, and Ian siguro. Doon na lang sila sa hotel naghintay,” say pa ni Lotlot.
“Nagkita naman kami noong nasa Amerika ako. That was 2009. ‘Yun ‘yung huli naming pagkikita. Isang linggo ako sa kanya, sa bahay niya. Doon ako nag-Pasko noong 2009. Magkasama kami. I left December 31. Dumating ako rito, January 1, 2010. Three months ako roon, nag-muni-muni,” kuwento ni Lotlot.
Ngayong Kapatid na si Nora at nasa TV5 si Lotlot sa The Sisters, posibleng magka- salubong sila sa event ng TV station ni Manny V. Pangilinan. Type ba niyang maka- trabaho si Mommy Nora?
“Sana nga, ‘no? Sana nga, makagawa kami ng project ni Mommy. Si Ian, sila ni Ian, sana…” agad na sabi ni Lotlot.
Going back sa coincidental na pagkikita nila ni Gov. ER, kumusta naman ang kanilang chikahan?
“Okey naman. Mukhang excited si Gov. Maganda raw. Nakahanda na lahat eh. Mom will be staying in Laguna yata or Cavite, and hahanapan nila siya ng hotel na malapit doon. I think, may pagsu-shootingan sila sa Laguna eh.
Ang Daddy Christopher (De Leon) niya, nakausap ba niya tungkol sa pagdating ni No- ra?
“Ah, hindi pa, hindi pa kami nakakapag-usap ni Daddy. I’m sure, excited ‘yun! Hahaha! Sila ni Tito Pip (Tirso Cruz, III).”
Naniniwala rin si Lotlot na mapili na sa proyekto ang kanyang mommy.
“Pinaghandaan niya ’yan At saka, I think, this must be worth it for her to come back home. Basta kaming mag-anak, dadalawin namin siya kapag hindi na siya nangarag ng ibang tao.”
So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply