San Diego, Revita nanguna sa ASEAN vs China

MULING bumalik ang tikas nina Marie Antoinette San Diego at Samantha Glo Revita ng Pilipinas matapos pangunahan ang ASEAN team kontra sa pag-ungos sa China, 2.5-1.5, sa sixth round ng 2011 China-ASEAN junior chess classic competition sa Girls’ 12-under category na ginanap sa Lanice Hotel Inn, New Asia Athletics Park, Guangfu Roads sa Kunming City, Yunnan Province, China nitong Biyernes, Agosto 26.

Nangibabaw si San Diego gamit ang white pieces kontra kay Zhao Sheng Xin habang si Revita ay nagwagi naman gamit ang disadvantageous black pieces kontra kay Huang Mo Fei.

Nagpakitang gilas din si Ummi Fisabilillah ng Indonesia, ang third player sa ASEAN team matapos makipag draw kay Zhang Rang.

Wala pa ring panalo si Jiang Xin Ran, ang fourth player ng ASEAN team, matapos madapa kontra kay Xu Qian Qian.

Sa fifth round morning session, ungos din ang ASEAN team kontra sa koponan ng China, 2.5-1.5, kung saan nanguna sina San Diego at Fisabilillah.

Pinisak ni San Diego si Zhang Rang habang winasiwas naman nui Fisabillah si Zhao Sheng Xin. Tabla naman si Revita kay Xu Qian Qian at talo si Jiang Xin Ran kay Huang Mo Fei.

Angat ang China (12.5) ng isang puntos kontra sa ASEAN team (11.5) sa team competition.

Sa individual competition, tangan ni Xu Qian Qian ng China ang liderato na may 5.0 points, angat ng kalahating puntos kontra kay San Diego na may 4.5 points. Magkasalo naman sina Revita, Fisabilillah at Hoang Mo Fei ng China sa third to fifth places sa tangang 3.5 points.

Sa iba pang resulta ng Filipino woodpushers, tinalo ni Daryl Unix Samantila si Liu Ze Zhou ng China sa Open 12-under; umibabaw si Ronald Canino kontra kay Ma Lin ng China sa Open 10-under; tabla si Julius Gonzales ng Marikina kay Dai Wen Zhi ng China sa Open 10-under; yuko si Dennis Gutierrez III kay Yu Kai Feng ng China sa Open 8-under at nadapa si Jerlyn Mae Sandiego kay Wang Ming Qing ng China sa Girls’ 8-under. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply