Sanggol na may buntot iniluwal sa Camarines

ISANG babaeng sanggol na walang mga paa at may pagkakahawig sa isang sirena ang namatay ilang oras matapos iluwal ng kanyang dalagitang nanay sa Camarines Norte.

Sinabi ni Jane Sariba, 18, nanganak siya kamakailan lamang sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Matuog-tuog, Mercedes pero nasorpresa nang makita niya ang anak na magkadikit ang dalawang paa na tila kahawig ng isang sirena.

Ayon kay Sariba, sa panahon ng kanyang pagbubuntis, lagi siyang nanonood ng soap opera sa TV kung saan isang batang sirena ang pangunahing karakter.

Nakatunog na nasa peligro ang anak, matapos ang panganganak kaya agad dinala ni Sariba ang sanggol sa pinakamalapit na ospital pero hindi na umabot nang buhay.

Sinabi ng isang neonatologist na ang sangggol ay may sirenomelia o mermaid syndrome, na bihirang congenital deformity kung saan ang mga binti ay magkadikit na maaaring mapagkamalang buntot ng sirena.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply