Sarah Geronimo papatayin din ng mga Kimeralds?

RECENTLY sa press brief ng bonggacious na bagong Globe SUPER-UNLI promo na iniindorso ngayon ng top celebs tulad nila Vice Ganda, Gerald Anderson at Sarah Geronimo, tinanong namin ang bagong goose that lays the golden eggs (yes, next to the Megastar) ng kwadra ng Viva na si Sarah kung siya ba ay apektado sa mga banta ng mga avid at rabid Kimerald fans na siya ay kasama sa listahan ng mga pasasabugin, in short tsutsugihin in whatever manner possible.

Natatawa lang at medyo hindi nababahala si Sarah Geronimo at ang pahiwatig niya ay sana naman maghunos-dili nang konti ang mga mga maka-Gerald at Kim dahil para sa kanya ang lahat ay trabaho lamang at walang personalan. Ang iba pang nasa listahang ng hate list ng Kimerald fan sa pasimuno nitong si Carina Leviste something (with e-mail address levistecarina@yahoo.com) sa pangunguna nga ni Sarah of course ay sina Jessy Mendiola, Jewel Mische, Jolo Revilla, Xian Lim, Matteo Guidicelli at marami pang iba.

Sabi pa ng mga die hard Kimerald fans: “Ilalagay namin sa bingit ng kamatayan ang mga nasa listahan namin. Hindi ito basta biro o laro para sa amin at seryoso kami dito. Kaya kung patuloy na ipapareha ng ABS-CBN at Star Cinema sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa iba, mapipilitan kaming pasabugin ang sasakyan at bahay ng mga ito. Kahit saan sila magpunta hindi sila magiging ligtas sa panganib.”

Pahabol pa ni Sarah Geronimo na lahat ng bagay ay napag-uusapan, sabay plug-in sa latest niyang endorsement: “Ako on my part willing ko silang kausapin basta i-course through lang nila sa Superunli All Text ng Globe na may unlimited texts to all networks at libre pang one hour mobile internet. Basta huwag lang silang magmura dahil bawal yun, di ba? Uulitin ko lahat ay napag-uusapan.”

Dapat raw ay happy ang mga Kimerald fans na kahit buwag na ang tandem nila Kim Chiu at Gerald Anderson ay patuloy pa rin ang dalawa sa pag-ani ng sanlaksang papuri from their respective film and TV projects.

Mega blockbuster ang first tandem nila Gerald at Sarah sa bakuran ng Viva Films at ganun din si Kim Chiu na sa ngayon ay siguradong mamamayagpag sa kabonggahan ng kanyang bagong project na “My Binondo Girl.”

Sa naturang press presentation ng Globe Super Unli Alltxt kung saan kasama rin si Gerald, maraming nakahalata na kapag ang Fil-Am na binata ang pinag-uusapan ay kakaibang kislap ang makikita mo sa mga mata ni Sarah Geronimo. Kilig na kilig siya sa binata bagamat tahasan niyang sinabi na friends daw muna sila sa ngayon at ganun din ang sabi ni Gerald na medyo halatang ‘ika nga carrying the hots na rin for Sarah G. As usual nasa-level of discovering each other pa rin daw sila and all that cliché.

Hindi talaga sila napilit na umamin na may namamagitan nang special something sa kanilang dalawa kahit ano pang pagbabaligtad-baligtad ng mga tanong sa kanila ng mga malabigang press people. Haaay! At one point muntik nang na-corner si Gerald para umamin na carrying nga siya also the hots for Sarah, pero bigla niya itong inilihis sa pagsabing, “Kung gusto n’yo talagang malaman ang real score namin ni Sarah sige call n’yo ako sa dagdag pang 10 minuto ng tawag sa Globe/TM, sa halagang P25 bawat araw pa rin.”

Kung sabagay naniniwala kami rito na naisahan ng Globe ang Smart at iba pang networks sa super-fantastic na promong ito. Kami man ay Smart subscriber pero in all honesty masasabi kong winner talaga ang Globe Superunli Alltxt bilang pinakamalaki at pinakamalupit sa lahat ng serbisyo ng Globe Prepaid sa ngayon dahil ito ay isang 3-in-1 service para sa mga subscribers. ‘Ika nga try it to believe. Kuha mo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply