Sariling bersyon ng FOI bill ipinasa ng Malakanyang

ISINUMITE ng Malakanyang sa Senado ang sarili nitong bersyon kaugnay ng isinusulong na Freedom of Informaton (FOI) Bill, ang panukala na naglalayon na magiging bukas sa publiko ang records ng tanggapan ng pamahalaan upang maiwasan ang kurapsyon.

Kapansin-pansin na sa FOI draft bill ng Malacañang, mas mahigpit ang patakaran na isinusulong nito kaugnay ng access ng taong bayan sa mga record ng gobyerno kung ikukumpara sa bersyon ng Senado o Senate Bill 2354.

Sa draft bill ng Palasyo, umabot sa 10 exemptions ang nakasaad habang walo lamang sa bersyon ng Senado.

Kung sa draft bill ng Malacañang, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasapubliko ng mga impormasyon  na may kaugnayan sa national security, habang sa draft bill naman ng Senado tanging ang may kinalaman lamang sa national defense ang pinag-iingatan.

Kabilang din sa probisyon na isinusulong ng palasyo na hindi makikita sa bersyon ng Senado ay hindi maaaring maparusahan ang opisyal ng gobyerno sakaling tinanggihan ang humuhingi ng records o information dahil lamang sa mabuting hangarin.

Umaasa  sina  Senators  Alan Peter  Cayetano  at  Gringo  Honasan na makukumbinse  ang administrasyong  Aquino  sa  kahalagahan  ng FOI Bill  bilang mabisang  sandata  laban  sa  katiwalian.

Ayon  kay  Honasan, matapos   mapagkasunduan  ng  mga  dumalo  sa  isinagawa niyang  public hearing  na  dapat  maging  batas  ang  FOI,  bubuo sila  ngayon  ng  technical  working  group  para  i-reconcile  ang  lahat  ng mga  input  na ibinigay  ng mga  dumalo  sa  pagdinig.

Ito  ay  upang  maremedyuhan  ang  concern  ng  Malacanang  ukol  sa  panukala upang  maisama  na  ito  sa  priority bills  ng  LEDAC.

Bunga  nito umaasa  si  Honasan  na  magkakaroon  ng  third  LEDAC  meeting upang plantsahin  ang  probisyon  ng  FOI.

Nabatid na umabot sa 12 senador ang nagsusulong ng sarili nilang bersyon kung saan noon pang 14th Congress ay niratipikahan na ito ng Senado ngunit hindi naisabatas dahil sa hindi pinagtibay sa Kamara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply