Sauna parlor ni Mayor Calixto namamayagpag

KAHIT sino pala ang maging alkalde sa lungsod ng Pasay ay hindi pa rin pala nawawala ang bansag niyang “Sin City” sa buong Metro Manila.

Ang akala kasi ng mga Paseño, kapag napalitan na ang kanilang  mayor ay mababago na rin ang ‘imahe’ nito mula sa pagiging makasalanang siyudad.

Ang siste,ay lalo pa raw naging mas malaswa ang siyudad ng Pasay simula nang maging alkalde ng lungsod si Mayor Antonio ‘Tony’ Calixto.

Kung noon ay kabi-kabila ang bold shows at sex trade sa mga night club, bahay-aliwan, beerhouse, ktv at sauna parlor, sa panahon ni Mayor Calixto ay lalong tumindi ang operations ng sex at human  trafficking.

Ito’y dahil sa hindi lamang ang mga club at beerhouse ang nag-ooperate kundi maging ang mga sauna parlor na gaya ng Lapu-lapu Health Palace na dating Magellan Sauna Massage sa Buendia Avenue, Pasay City.

Nabatid na isang Fil-Am ang nagmamay-ari ng nasabing sauna parlor  pero ang nagpapatakbo nito ay ang kanyang  tagapangasiwa na kinilala lamang sa alyas na  Beth.

Biruin ninyo, sa halagang P800 lamang ay makaka-sex   na ninyo ang lahat ng makukursunadahan ninyong sauna attendant.

Walang kiyeme-kiyeme sa sauna parlor na ‘yan dahil kahit sino, mapamatanda o bata, basta may P800 kang pambayad ay malaya kang makapapasok sa sauna parlor na yan.

Matigas ang sauna parlor na ito dahil walang ipinagmamalaki ang may-ari nito kundi malakas siya kay Mayor Calixto.

Kahit puro kababuyan ang kinakalakal sa bahay-aliwan na ito ay hindi mapapadlak.

Mantakin ninyo, sa tuwing may sumisita raw sa operations ng sauna parlor ng nasabing Fil-Am  ay walang bukambibig umano ang may-ari kundi si Mayor Calixto. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply