SB sa minorya: Reklamo sa ‘pork’ isantabi muna

UMAPELA si Speaker Feliciano “SB”  Belmonte sa mga miyembro ng oposisyon sa Kamara de Representantes na isantabi muna ang mga reklamo tungkol sa pagkaantala ng “pork barrel” at huwag iboykot ang briefing ng 2012 national budget.

“I, as the Speaker, would like to appeal to them to join and be heard, (so that) their questions will be asked,” ayon kay Belmonte.

Aniya, hayaan ang administrasyon na gawin ang trabaho nito lalo pa’t nangako na ito na hindi na patatagalin ang pagpapalabas ng “pork” sa lahat ng mga mambabatas.

“The administration has said that everything is forthcoming, so (they) not hold anybody hostage over it and so (the House) can go on with its business,” ayon sa Speaker.

Simula noong Lunes ay hindi na sinipot ng may 34 miyembro ng ang pagtalakay sa P1.8-trilyon budget  para sa  taong  2012  dahil hindi umano pantay na pagbigay ng  tig-P70-milyon pondo.

Mismong  ang lider ng  oposisyon  na si Albay Rep. Edcel Lagman ang  naghayag  sa mga  miyembro nito ang  nasabing  boykot  dahil sa nararanasang  walang  pantay na  trato sa kanila  ng  administrasyon Aquino  pagdating  sa  pondo.

Sana naman, ayon kay  Speaker, huwag gawing isyu ang hindi pa pagkakatanggap ng pondo ng mga nasa minorya at dumalo ang mga minority lawmakers ang budget  briefing.

“We shouldn’t be all that (onion)-skinned,” dagdag nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply